Ang Karunungang-Bayan ay ang tawag sa panitikang naglalaman ng mga kaisipan, damdamin, alaala, at mga isyung pinapahalagahan ng lipunan nitong pinanggagalingan
Ang mga bugtong ay mga palaisipan o katanungang may nakatagong kahulugan na kailangang lutasin
Ang mga kasabihan at salawikain ay magkatulad halos ng ibig sabihin at ang layunin nito ay magbigay ng payo o patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay
Ang mga tulang panudyo ay nasa anyong patula at ginagamit upang manukso o magbigay ng aliw
Ang mga palaisipan ay mga walang kawawaang katanungan na ang layunin ay lituhin ang tinatanong upang makapagpatawa at magbigay-aliw
Ang tugmang de-gulong ay masasabing nanggaling sa lumang kaalaman, ngunit hinaluan na ng modernisasyon at karaniwang makikita sa mga sasakyang may gulong
Mga awiting panudyo at pick up lines ay mga uri ng awit panudyo na inaawit para sa katuwaan o panunukso