AP

Cards (16)

  • Francesco Petrarch (1304-1374). Ang “Ama ng Humanismo.” Nakilala sa kanyang likhang “Canzoniere’, isang kompilasyon ng mahigit na 300 ng mga tula. Naging inspirasyon niya ang mga panitikang Gresya at Roma sa kanyang pagsusulat
  • Giovanni Boccaccio (1313-1375). Matalik na kaibigan ni Petrarch. Ang kanyang pinakamahusay na panitikang na piyesa ay ang “Decameron” isang tanyag na koleksiyon na nagtataglay ng isang daan nakakatawang salaysaY
  • William Shakespeare (1564-1616). “Ang makata ng mga makata.” Naging tanyag na manunulat sa ginintuang Panahon ng England sa pamumuno ng Reyna Elizabeth I. Ilan sa mga sinulat niya ay ang walang kamatayan dula gaya ng “Julius Caesar”, “Romeo at Juliet”, “Hamlet”, “Anthony at Cleopatra” at “Scarlet.” Ang kanyang mga akda ay hinango mula sa kasaysayan ng Romans at Greek.
  • Desiderious Erasmus (1466-1536). Prinsipe ng mga Humanista. May akda ng “In Praise of Folly”, kung saan tinuligsa niya ang mga hindi mabuting gawa ng mga pari at mga karaniwang tao.
  • Nicollo Machiavelli (1469-1547). Isang diplomatikong manunulat na taga Florence, Italy. May akda ng “The Prince.” Nakapaloob sa aklat na ito ang dalawang prinsipyo: “Ang layunin ay nagbibigay matuwid sa pamamaraan. “ Wasto ang nilika ng malakas.”
  • Miguel De Cervantes (1547-1616). Isinulat niya ang nobelang “Don Quixote de la Mancha,” na kumukutya at gingawang katawa-tawa sa kasaysayan ng mga kabalyero noong Medieval Period.
  • Leonardo Da Vinci (1452-1519) Ang may likha ng obra maestrang “Huling Hapunan” (The Last Supper) na nagpakita ng huling hapunan ni Kristo, kasama ang kanyang labindalawang disipulo. Isang henyo na maraming nalalaman sa iba’t ibang larangan tulad ng pagiging pintor, arkitekto, enhinyero, iskultor, inbentor, siyentista, musikero, at pilosoper.
  • Raphael Santi (1483-1520). Tinaguriaang “Ganap na Pintor” at ‘Perpektong Pintor.” Pinakamahusay na pintor ng Renaissance. Kilala sa pagkakatugma at balanse o proporsiyon ng kanyang mga likha. “Sistine Madonna,” “Madonna and the 3 Child” at “Alba Madonna” ay ilan lamang sa mga tanyag niyang gawa.
  • Nicolaus Copernicus (1473-1543) “Ang pag-ikot ng daigdig sa axis nito, kasabay ng ibang planeta ay umiikot din ito sa paligid ng araw”-tumutukoy sa teoryang heliocentric. Pinasinungalingan ng teoryang ito ang tradisyunal na pag-iisip na ang mundo ang sentro ng sansinukob.
  • Galileo Galilei (1564-1642). Siya ay isang astronomo at matemateko noong 1610. Malaki ang naitulong ng kanyang naimbentong teleskopyo para mapatotohanan ang Teoryang Copernican.
  • Sir Isaac Newton (1642-1727). Tinaguriang ang “Higante ng siyentipikong Renaissance. May akda ng batas ukol sa Universal of Gravitation, na ang bawat palaneta ay may kaniya-kaniyang lakas ng grabitasyon at siyang dahilan kung bakit nasa wastong lugar ang kanilang pag-inog. Ipinaliwanag din niya ng grabitasyon ay ang dahilan kung bakit bumabalik sa lupa ang isang bagay na inihagis paitaas.
  • Isotta Nogarola (1418-1466). Siya ay kinilala bilang kauna-unahang babaeng humanista, na mula sa Verona. Ang may akda ng “Dialogue on Adam and Eve” (1451) at Oration on the Life of St. Jerome (1453). Kinakitaan ng kahusayan sa pang-unawa sa mga isyung teolohikal.
  • Laura Cereta (1469-1499). Siya ay isa sa pinakamahusay na babaeng humanista, na nagmula sa Brescia. Bago pumanaw sa gulang na 30, ay nagkaroon siya ng mahalagang kontribusyon sa mga kababaihan, na kung saan isinulong niya ang makabuluhang pagtatatangol sa pag-aaral ng humanistiko para sa kababaihan.
  • Veronica Franco (1546-1591). Mula sa Venice ay mahalagang personalidad sa Renaissance sa pagsulat ng tula. Siya ay tagapagtaguyod ng mga kababaihan na hindi nakapag-aral na nagbebenta ng aliw, sa pamamagitan ng kanyang mga tula.
  • Vittoria Colonna (1492-1547). Mula sa Rome ay mahalagang personalidad sa Renaissance sa pagsulat ng tula. Kilala sa kanyang walang bahid dungis na Petrarchan Verses at ang kanyang pampublikong imahe ng kalinisan at banal na gawain na kakabaihang sekular.
  • Michealangelo Bounarotti (1475-1564). Ang pinakasikat na iskultor ng Renaissance. Sa paanyaya ni Papa Julius II ipininta niya si Sistine Chapel ng Cathedral ng Batikano,Ang pinakamaganda niyang likha ang La