WIKA

Cards (18)

  • 1935 Saligang Batas Artikulo XIV Seksyon 3
    Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang Pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.
  • Oktubre 27, 1936
    -Itinagubilin ng Pangulong Manuel L. Quezon sa kanyang mensahe sa Asemblea Nasyonal ang paglikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) na gagawa ng isang pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas, sa layuning makapag paunlad at makapag tibay ng isang wikang panlahat na batay sa isang wikang umiiral.
  • Nobyembre 13, 1936
    • Inaprobahan ng kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at pumili ng isa na magiging batayan ng wikang Pambansa.
  • -Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 ng 1987
    Mula sa Surian ng Wikang Pambansa ang kagawaran na ito ay tatawagin nang Linangan ng mga Wika sa Pilipinas.
  • -Batas Republika Blg. 7104 ng 1991
    Mula sa Linangan ng mga Wika sa Pilipinas ang kagawaran na ito ay tatawagin nang Komisyon ng Wikang Filipino.
  • Enero 12, 1937
    -Hinirang ng Pangulong Quezon ang mga sumusunod na Lupon ng Surian ng Wikang Pambansa:1.Pangulo: Jaime C. De Veyra2.Kagawad: Santiago Fonacier3.Punong Tagapaganap: Cecilio Lopez
  • Disyember 30, 1937
    -Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.
  • Abril 1, 1940
    Ipinalabas ang kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo ang wikang Pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula noong Hulyo 19, 1940.
  • Hunyo 7, 1940
    -Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo 4, 1946, ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.
  • Agosto 13, 1959
    Tinawag na Pilipino ang wikang Pambansa nang lagdaan ni Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang kautusang Blg. 7. Ayon sa kautusang ito, kaylanman at tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin.
  • Oktubre 24, 1967
    Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino
  • Agosto 7, 1973
    -Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang reolusyong nagsasaad na gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng paaralang pambayan o pribado at pagsisimula sa taong 1974-1975.
  • Hulyo 19, 1974
    Nilagdaan ni Kalihim Juan L. Manuel ng kagawaran ng edukasyon at kultura na nagtatakda sa mga panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilinggwal sa mga paaralan simula 1974.
  • Pebrero 2, 1987 Saligang Batas Artikulo XIV Sekyon 6-9
    -Mula sa Pilipino, ang Pambansang wika ay tatawaging Filipino, ang wikang Ingles ay ang siyang dalawang Opisyal na wika ng bansa.
  • Marso 26, 1946 Proklamasyon Blg. 35
    -Ipinalabas ni dating Pangulong Sergio Osmena ang proklamasyon ito na magsasabing ang petsang Marso 27 hanggang Abril 2 ay ang Linggo ng Wika. (1946-1954) Pinili ang Abril 2 sapagkat ito ang kaarawan ng isang bantog na manunulat sa Tagalog na si Francisco Balagtas
  • Marso 26, 1954 Proklamasyon Blg. 12
    -Ipinalabas ni dating Pangulong Ramon Magsaysay na baguhin ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula Agosto 13 hanggang 19. Pinili ang Agosto 19 sapagkat kasabay na ginugunita dito ang kaarawan ng Ama ng wikang Pambansa na si Manuel L. Quezon
  • 1988
    -Pinagtibay ni dating Pangulong Corazon Aquino ang pagdiriwang ng Linggo ng wika mula Agosto 13-19 alinsunod sa Proklamasyon Blg. 19.
  • 1997
    Sa bisa ng Proklamasyon 1041 idineklara ni dating Pangulong Fidel Ramos na ang pagdiriwang ng wikang Filipino ay magaganap sa buong buwan ng Agosto, kaya ito nagging Buwan ng Wika.