Ap

Cards (19)

  • Intersex - ipinanganak na may reproductive o sexual anatomy na hindi akma sa lalaki o babae
  • Kahulugan ng acronym na SOGIE: Sexual Orientation and Gender Identity and Expression
  • Tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal, emosyonal, seksuwal; at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa: Sexual Orientation
  • Ang sex ay ang bayolohikal, pisyolohiko at natural na katangian ng isang tao
    mula kapanganakan. Ito ay tumutukoy kung lalaki o babae ang isang tao. Ang taglay
    na mga katangian ng lalaki at babae ay makikita sa anumang lahi, kultura, lipunan
    at panahon.
  • Ang gender naman ay isang social contract at nakabatay sa mga salik
    panlipunan (social factors).
    Kabilang sa mga salik na ito ay ang mga panlipunang gampanin at tungkulin,
    kapasidad, intelektual, emosyonal at panlipunang katangian at katayuan na
    nakaatas sa mga babae at lalaki at iba pang kategoryang itinakda ng kultura at
    lipunan. Maaaring ikaw ay feminine o masculine depende sa tingin sayo ng lipunan.
  • Sa panahon ng mga Griyego kilala ang kalalakihan sa larangan ng pakikipagdigma gamit ang kanilang espada at pana.
  • Samantalang ang pinaghalong simbolo ng lalaki at babae
    ang siyang kumakatawan sa lesbian, gay, bisexual at transgender (LGBT).
  • Ang gender role sa salitang tagalog ay tungkulin o gampanin base sa kasarian. Ito ay ang itinakdang pamantayan na basehan ng tungkulin o gampanin ng babae at lalaki batay sa tinatanggap ng lipunang ginagalawan.
  • Ayon sa isang artikulo na mula sa Hesperian Health Guides ang gender role ng isang tao ay ang pagtatakda ng komunidad kung paano ang pagiging babae at lalaki. Umaasa ang komunidad sa bawat tao na mag-isip, makadama at kumilos sa takdang paraan, dahil lang sa sila’y babae o lalaki.
  • Yogyakarta Principles (2006), ang (sexual orientation) ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksiyonal, emosyonal, seksuwal; at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa.
  • Heterosexual –tao na nagkakagusto o naaakit sa taong hindi kahalintulad ng kanyang kasarian.
  • ang pagkakakilanlan at pagpapahayag na pangkasarian (gender identity and expression) ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak.
  • Homosexual –tao na nagkakagusto o naaakit sa taong kahalintulad ng kanyang
    kasarian.
  • Bisexual–tao na naaakit sa parehong babae at lalaki. Ang ibang tawag sa kanya
    ay AC-DC, silahis, atbp.
  • Lesbian– babae na nagkakagusto o naakit sa kapwa babae. Ang ibang tawag sa kanya ay tibo, tomboy, lesbiyana, atbp.
  • Gay– lalaki na nagkakagusto o naakit sa kapwa lalaki. Ang ibang tawag sa kanya ay bakla, beki, bayot, bading, paminta, sirena, atbp.
  • Transgender –tao na kinikilala ang kanyang kasarian na maaaring taliwas sa ari nung ipinanganak siya o yung inatas sa kanya ng lipunan. Ang ibang tawag sa kanya ay transwoman, transman, atbp
  • Queer – tao na may sexual orientation o sexual identity na hindi nakapirmi o nag-iiba o maaring hindi limitado sa dalawang kasarian lamang
  • Ang Female Genital Mutilation o FGM ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anomang benepisyong medikal. Ito ay isinasagawa sa paniniwalang mapapanatili nitong walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay maikasal.