Narito ang ilan sa mga dapat gawin upang mapangalagaan ang pagmamahal sa Diyos.
Panalangin - Ito ay paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa Diyos. Sa panalangin, ang tao ay nakapagbibigay ng papuri, pasasalamat, paghingi ng tawad, at paghiling sa kaniya.
Panahon ng pananahimik o Pagninilay - Ito ay makakatulong upang ang tao ay makapag- isip at makapagnilay. Mula rito nauunawaan ng tao ang tunay na mensahe ng Diyos sa kaniyang buhay. Makakatulong ito upang malaman ng tao kung ano ang ginagawa niya sa kaniyang paglalakbay, kung saan siya patungo.