Sex - tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki
Gender - tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki.
Ang pana ang naging batayan ng simbolo ng lalaki at ang imahen ng salamin ang naging simbolo ng babae. Samantalang ang pinaghalong simbolong lalaki atbabae ang siyang kumakatawan sa lesbian, gay, bisexual at transgender (LGBT).
Red – Life and Sexuality
Orange – Healing and Friendship
Yellow – Vitality and Energy
Green – Serenity and Nature
Blue – Harmony and Artistry
Violet – Spirit and Gratitude
Oryentasyong Seksuwal tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal, emosyonal, sekswal;
Heterosexual – mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian
Homosexual - mga nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na kasarian,
Lesbian (tomboy) sila ang mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki;
Gay (bakla) - mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki;
Bisexual - mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian
Asexual – mga taong walang nararamdamang atraksiyong seksuwal sa anumang kasarian
Transgender -kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang kaniyang pag- iisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma, siya ay maaaring may transgender na katauhan
Pansexual - Itinuturing itong gender-blind at hindi raw mahalaga ang gender at kasarian sa atraksiyong seksuwal.
Queer - mga taong hindi sang-ayon na mapasailalim sa anumang uring pangkasarian, ngunit maaaring ang kanilang pagkakakilanlan ay wala sa kategorya ng lalaki o babae, parehong kategorya o kombinasyon ng lalaki o babae