pagbasa

Cards (13)

  • Ang pagbasa ay isang psycholinguistic guessing game
  • Ang pagbasa ay ang pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita
  • Ang pagbasa ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na kahanay ng pakikinig, pagsasalita, at pagsulat
  • Hakbang sa Pagbasa:
    • Persepsyong: pagkilala ng mga nakalimbag na simbolo at maging sa pagbigkas ng wasto sa mga simbolong nababasa
    • Komprehensyon: ang pagpoproseso ng mga impormasyon o kaisipang ipinahahayag ng simbulong nakalimbag na binasa
    • Reaksyon: hinahatulan o pinagpapasyahan ang mga kawastuhan, kahusayan, at pagpapahalaga ng isang tekstong binasa
    • Asimilasyon: isinasama at iniuugnay ang kaalamang nabasa sa mga dati nang kaalaman o karanasan
  • Braille: isang instrumento na ginagamit ng mga bulag upang makabasa
  • Teorya sa Pagbasa:
    • Teoryang Bottom-up: tradisyunal na pananaw sa pagbasa, pagkilala ng serye ng mga nakasulat na simbulo upang maibigay ang katumbas nitong tugon
    • Teoryang Top-down: prosesong holistic, tinatawag ding teoryang inside-out o conceptually-driven
    • Teoryang Interaktiv: ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, bi-directional
    • Teoryang Iskima: ang teksto ay isang input lamang sa proseso ng komprehensyon
    • Problema at Solusyon: patalakay sa isa o ilang suliranin at paglalapat ng kalutasan
    • Sanhi at Bunga: tinatalakay ang mga kadahilanan ng isang bagay o pangyayari at mga epekto nito
  • Tekstong Ekspositori:
    • Depinisyong: pagbibigay kahulugan sa di pamilyar na termino o salitang bago sa pandinig
    • Simpleng Pag-iisa-isa: pagtalakay sa pangunahing paksa at pagbanggit ng mga kaugnay at mahahalagang salita
    • Komplikadong Pag-iisa-isa: pagtalakay sa pamamaraang patalata ng pangunahing paksa at mga kaugnay na kaisipan na naglilinaw sa paksa
    • Pagsunod-sunod: paraan ng pag-oorgani sa ng isang tekstong ekspositori
    • Paghahambing at Pagkokontras: tekstong nagbibigay-diin sa pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa o higit pang tao, bagay, kaisipan o ideya at maging ng pangyayari
    • Paghihinuha: kakayahang tukuyin ang isang bagay na hindi pa alam batay sa ilang clues
    • Paghuhula: prediksyon na kadalasang gamit sa pagbabasa ng mga kwento at nobela
    • Lagom: pinakapayak at pinakamaikling anyo ng diskusyon na batay sa isang binasang teksto
    • Konklusyon: mga implikasyong mahahango sa isang binasang teksto
    • Tsart: dami o estruktura ng isang sistema sa pamamagitan ng hanay batay sa hinihingi o ibibigay na impormasyon
    • Grap: dayagram na sumisimbolo sa mga nakuhang impormasyon o datos
    • Talahanayan: sistematikong inilalagay ang mga nalikom na datos
  • Nilalaman ng Teksto:
    • Paksang Pangungusap: sentro o pangunahing tema o pokus sa pagpapalawak ng ideya
    • Suportang Detalye: tumutulong, nagpapalawak, nagbibigay-linaw sa paksang pangungusap
    • Damdamin ng Teksto: naging saloobin ng mambabasa sa binasang teksto
    • Tono ng Teksto: saloobin ng awtor sa paksang kanyang tinatalakay
    • Pananaw sa Teksto: punto de vistang ginamit ng awtor sa teksto
    • Opinyon: pahayag ng isang tao hinggil sa isang paksa batay sa kanyang paniniwala at prinsipyo
    • Katotohanan: faktwal na kaisipan o pahayag na hindi na mapasusubalian
  • Kard Katalog:
    • Subject Kard: paksang tatalakayin
    • Author Card: impormasyon tungkol sa awtor
    • Title Card: paksa o awtor ng gustong saliksikin
  • Sipi: tiyak at mismong salita, parirala o pangungusap ng awtor na kinuha ng mananaliksik para sa kanyang pag-aaral
  • Sanggunian:
    • Tesawro: kasingkahulugan o kasalungat ng mga salita
    • Ensayklopedya: katotohanan o impormasyon tungkol sa iba't-ibang paksa
    • Almanac: mahahalagang pangyayari sa iba't-ibang bansa sa loob ng isang taon
    • Atlas: mapa ng rehiyon o lugar
    • Pahayagan: nagbibigay ng mga balita, opinyon ng mga editor, at patalastas
    • Direktoryo: pangalan, address, telepono, o e-mail ng mga tao o organisasyon
    • Magasin: impormasyon tungkol sa fashion, pagkain, pamumuhay, paglalakbay
    • Akademikong Journal: artikulo ng mga dalubhasa sa iba't-ibang larangan