AP10 q3 M1

Cards (25)

  • Heterosexual mga taong nagkakanasang sekswal sa ibang kasarian tulad nang ang lalaki ay gustong makipagrelasyon at makipagtalik sa babae at ang babae naman ay sa lalaki
  • Homosexual mga taong nagkakaroon ng pagnanasang sekswal sa katulad nilang kasarian, halimbawa, ang lalaki ay nagnanais makipagrelasyon at makipagtalik sa kapareha niya ng kasarian, gayun din ang babae na mas gusto ang kapwa babae bilang karelasyon
  • Bisexual taong nakakaranas ng sekswal na pagnanasa sa dalawang kasarian
  • Lesbian mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki, mga babaeng umiibig sa kapwa babae dahil sila ay may pusong panlalaki, tinatawag din nating tibo at tomboy sa Pilipinas
  • Gay mga lalaki na ang damdamin at kilos ay pambabae, ang ilan sa kanila ay nagdadamit na pambabae at umiibig o nagkakagusto sa kapwa lalaki din; kilalala din sila sa tawag na beki at bayot
  • Bisexual mga taong may atraksyon o damdamin sa dalawang kasarian
  • Transgender mga taong may pakiramdam na sila ay nabubuhay sa maling katawan, ang kanilang pag iisip at pangangatawan ay hindi nakabatay sa kanilang sex
  • Asexual ito naman ang mga taong walang pakiramdam o atraksyong sekswal sa anumang kasarian
  • Si Marie Ramirez ay isang aktres na babae at si Aljon Martinez ay isang aktor na lalaki. Ang ganitong pagpapakilala ay isang halimbawa ng konsepto ng _____________ Sex
  • Ang mag-asawang Mang Kaloy at Aling Linda ay magkatuwang sa kanilang karinderya. Si Mang Kaloy ang kusinero habang si Aling Linda ang nag-aasikaso sa kanilang mga mamimili. Ito ay halimbawa ng Gender
  • Ang pisikal at biyolohikal na pagbabago sa katangian ng babae at lalaki ay pagpapakilala ng Sex
  • Ang pangkat na nagpakilala sa mga LBGT hanggang sa pagiging kinatawan sa Kongreso ay ang _______ LADLAD
  • Anong bansa sa mundo ang hindi nagpapahintulot sa kababaihan na magmaneho ng sasakyan? Saudi Arabia
  • Si ___________________ ang isa sa pangunahing tagapagtaguyod ng pantay na karapatan ng mga kalalakihan at kababaihan. Aziza Ai Yuosef
  • Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksyong apeksyonal, emosyonal, at sekswal. sexual orientation
  • Ang malalim na damdamin at personal na karanasang pang-kasarian ng isang tao ay tinatawag na Gender Identity
  • Ang mga taong nakararanas ng sekswal na pagtatangi sa miyembro ng kabilang kasarian ay tinatawag na Heterosexual
  • Sila ay mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki Lesbian
  • Si Jojo ay kasalukuyang may karelasyon sa kapwa lalaki na si Louie, samantala siya ay umiibig din kay Francine na kaniyang kaklase. Anong uri ng kasarian ang tawag dito? Bisexual
  • Sa panahong ito nabuksan ang karapatan ng mga kababaihan na bumoto. Amerikano
  • Anong dokumento ang nagsasaad na ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa? Boxer Codex
  • Ang magkaibang katangian ng kalalakihan at kababaihan sa kanilang pisikal na pangangatawan tulad nang buwanang dalaw para sa mga babae at pagkakaroon ng testicle sa mga lalaki ay isang pagpapaliwanag sa kahulugan ng Sex
  • Ito ay pagtalakay sa sekswal na pagnanais sa kabilang kasarian. Heterosexual
  • Isa itong kaugalian sa Panay kung saan ang mga babae ay itinatago sa publiko at itinuturing na prinsesa Binukot
  • Siya ang sumulat ng akdang Position of Women in the Philippines na nagpapahayag sa katayuan ng mga kababaihan sa Pilipinas Emelina Regaza Garcia