PAGBASA 2

Cards (29)

  • Ang pagbabasa ay isang kasanayan na kinakailangan linangin
  • Ang pagbabasa ay pinaniniwalaan na pinanggagalingan ng lahat ng kaalaman at impormasyon ng isang tao.
  • 5 Makrong Kasanayang Pangwika
    1. Pagbasa
    2. Pagsulat
    3. Pakikinig
    4. Pagsasalita
    5. Panonood
  • Ang Pagbasa - Ito ay isang kompleks na kasanayan na nangangailangan ng koordinasyon ng iba’t iba at magkakauganay na pinagmumulan ng impormasyon.
  • 2 uri ng mapanuring Pagbasa
    Intensibo at Ekstensibo
  • ang intensibong pagbasa ay may kinalaman sa masinsin at malalim na pagbasa ng isang tiyak na teksto
  • ang ekstensibong pagbasa ay may kinalamaan sa pagbasa ng masaklaw at maramihang materyales.
  • Ang scanning ay mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang ispesipikong impormasyon na itinakda bago bumasa.
  • Scanning - Kinapapalooban ito ng bilis at talas ng mata sa paghahanap hanggang sa makita ng mambabasa ang tiyak na kinakailangang impormasyon.
  • Kung ang kahingian ay alalahanin ang pangalan, petsa, simbolo, larawan, o tiyak na sipi na makatutulong sa iyo,ang angkop na paraan ng pagbasa na dapat gamitin ay?
    Scanning
  • Skimming - ay mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto, kung paano inoorganisa ang mga ideya o kabuuang diskurso ng teksto at kung ano ang pananaw at layunin ng manunulat.
  • 4 na antas ng pagbasa
    • Primarya
    • Mapagsiyasat
    • analitikal
    • sintopikal
    • Primarya – ito ang pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong upang makamit ang literasi sa pagbasa.
  • Primarya - Ang mga kakayahan sa pagbasa sa antas na ito ay kinapapalooban lamang ng pagtukoy sa tiyak na datos at ispesipikong impormasyon gaya ng petsa, setting/lugar o mga tauhan sa isang teksto.
  • Mapagsiyasat – sa antas na ito, nauunawaan na ng mambabasa ang kabuuang teksto at nakapagbibigay ng mga hinuha o impresyon tungkol dito. Sa pamamagitan nito, nakapagbibigay ng mabilisan ngunit makabuluhang paunang rebyu sa isang teksto ang mambabasa upang matukoy kung kakailanganin niya ito at kung maari itong basahin nang mas malaliman.
    • Analitikal – sa antas na ito ng pagbasa, ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-iisip upang malalimang maunawaan ang kahulugan ng teksto at ang layunin o pananaw ng manunulat.
  • Sintopikal – Tumutukoy ito sa uri ng pagsusuri na kinapapalooban ng paghahambing sa iba’t ibang teksto at akda na kadalasang magkaka-ugnay.
  • Primarya - Scanning
    Mapagsiyasat - Skimming
    Analitikal - Intensibo
    Sintopikal - Ekstensibo
  • LIMANG HAKBANG SA SINTOPIKAL NA PAGBASA
    • pagsisiyasat
    • Asimilasyon
    • Mga tanong
    • Mga isyu
    • kumbersasyon
  • Pagsisiyasat – Mahalaga ang ? tungkol sa sintopikal na pagbasa. Kailangan mong tukuyin agad ang lahat ng mahahalagang akda higgil sa isang paksang nais mong pag-aralan. Mula sa mga ito, kailangang tukuyin kung ano ang mahalagang bahagi na may kinalaman sa pokus ng iyong pag-aaralan.
  • Asimilasyon - sa pamamagitan ng paraang ito, tinutukoy mo ang uri ng wika at mahahalagang terminong ginamit ng may-akda upang ipaliwanag ang kanyang kaisipan.
  • Mga Tanong – sa bahaging ito, tinutukoy mo ang mga katanunganng nais mong sagutin na hindi pa nasasagot o Malabong naipaliwanag ng may-akda.
  • Mga Isyu – Lumilitaw ang isyu kung kapaki-pakinabang at makabuluhanang nabuo mong tanong tungkol sa isang paksa at may magkakaibang pananaw ang mga binabasang akda tungkol sa partikular na suliraning ito.
  • Kumbersasyon – Ang pagtukoy sa katotohanan batay sa sintopikal na pagbasa ay hindi ang pangunahing punto at layunin sapagkat laging kuwestiyonable ang katotohanan.
  • Related literature?
    Pagsisiyasat
  • Definition of terms?
    Asimilasyon
  • Questionnaire, Surveys, and Checklist?
    Mga tanong
  • Statement of the Problem?
    Mga isyu
  • Konklusyon?
    Kumbersasyon