PANGANGALAGA SA MGA KARAPATANG PANTAO

Cards (32)

  • Ito ay tumutukoy sa mga paglabag sa jus in bello (konsepto ng hustisya sa digmaan) ng kahit na sinong indibidwal, militar man o sibilyan.
    War Crimes
  • Ito ay tumutukoy sa seryosong krimen ng sadya at sistematikong pagkitil sa isang lahi, relihiyoso, o pangkat etniko
    Genocide
  • Ito ay isang tao na nahuli ng kalabang estado sa gitna ng digmaan, na maaaring miyembro ng puwersang militar, sibilyan, gerilya, at iba pa.
    Prisoner of War
  • Ito ay salitang Espanyol na tumutukoy sa isang tao na nawala at kung saan may kinalaman ang estado sa kanyang pagkawala.
    Desaparecido
  • Ito ay tumutukoy sa hindi pantay at hindi patas na pagkilala sa mga karapatang pantao ng isang indibidwal dahil sa kanyang lahi, wika, relihiyon, at iba pang katangian.
    diskriminasyon
  • Ang diskriminasyon ay maaaring dulot ng prejudice, stereotypes, o racism.
  • Ito ay tumutukoy sa opinyon, paniniwala, o pakiramdan ukol sa isang tao o bagay na nabubuo ng walang dahilan, pag-iisip, o kaalaman.
    Prejudice
  • Ito ay isang pamamaraan sa pagkilala at panghuhusga sa isang tao, pangkat, o lipunan batay sa katangian na ipinapalagay ng nakararami.
    Stereotype
  • Ito ay isang uri ng diskriminasyon batay sa lahi ng tao o pangkat ng tao.
    Racism
  • Ito ay tumutukoy sa pagpatay na gawa ng mga indibidwal sa pamahalaan na walang pahintulot ng korte o hindi dumaan sa legal na proseso
    extrajudicial killing
  • Ito ay tumutukoy sa isang ekspertong indibidwal sa isang paksa (tulad ng karapatang pantao) na naatasan ng isang samahan (tulad ng UN) upang mag-imbestiga at mag-ulat ng sitwasyon sa isang bansa o pamayanan
    Rapporteur
  • Ang pagtatangka upang patahimikin ang media at mga mamamahayag sa pag-uulat ng sitwayson ng karapatang pantao sa bansa.
    Media persecution
  • Isinasaad sa proklamasyong ito ang pagpapalaya simula ika-1 ng Enero 1863 sa mga alipin sa mga estado ng Amerika kung saan nananatili ang rebelyon.
    Emancipation Proclamation.
  • Ito ay isang sistemang politikal at panlipunan kug saan sinisigurado na ang lahay ng aspekto ng lipunan- kultura, politika, at ekonomiya- ay pumapabor sa iisang lahi lamang at ito ay minorya sa bansa.
    Apartheid
  • Mga mamamayang walang bansa.
    Stateless people
  • Ito ay tumutukoy sa isang tao na napilitang umalis ng kanyang bansa dahil sa takot sa karahasan, digmaan, o persekusyong politikal. Ang karahasan o diskriminasyong nararanasan ay maaaring dahil sa kanyang lahi, relihiyon, paniniwalang politikal, kasarian, seksuwalidad, at mga katulad na dahilan.
    Refugee
  • Ito ay tumutukoy sa isang tao na umalis ng kanyang bansa sa paghahangad ng mas magandang buhay sa ibang bansa.
    Migrante
  • Ito ay ang konsepto ng pagbibigay ng pantay na pagkilala at pagtanggap sa ibang kultura at lahi
    Multiculturalism
  • Isang kondisyon kung saan hindi napaparusahan ang maysala.
    Impunity
  • Ang United Nations Human Rights Council (UNHRC) ay ang pangunahing ahensiya ng UN na nagtataguyod at nangangalaga ng mga karapatang pantao sa buong mundo.
  • Ang Commission on Human Rights (CHR) ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na nagtataguyod at nagbibigay ng proteksiyon sa mga karapatang pantao. Ito ay isang malayang komisyon na hindi nasasakop ng anumang sangay ng pamahalaan.
  • Mga NGO na nangangalaga sa Karapatang Pantao
    • Amnesty International
    • Human Rights Action Center
    • Global Rights
    • Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA)
    • KARAPATAN: Alliance for the Advancement of People's Rights
    • Free Legal Assistance Group (FLAG)
  • Itinatag noong 1961 na may layunin na magsaliksik at labanan ang mga pang-aabuso sa karapatang pantao sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
    Amnesty International
  • Layunin nito na maging boses para sa mga biktima at maging tagapagtaguyod ng karapatang pantao sa buong mundo.
    Human Rights Action Center
  • Itinatag noong 1978, ang samahan ay may layuning maitaguyod ang kapasidad ng mga pamantayang pangkomunidad at bumuo ng mga pamamaraan sa maayos na pamamahala sa iba’t ibang isyu tulad ng karapatan ng kababaihan, hustisya, pamamahala ng likas na yaman, karapatang pantao, at seguridad.
    Global Rights
  • Itinatag noong 1986, layon nito ang pagkilala at pagsasakatuparan ng lahat ng karapatang pantao na nakapaloob sa mga kasunduang internasyonal.
    Philippine Alliance of Human Right Advocates (PAHRA)
  • Itinatag noong 1995, ang samahan ay mayroong mga programa ukol sa pagtataguyod ng karapatang pantao na nakatuon sa pagtatanggol sa mga karapatan ng mamamayan at kalayaang sibil sa pamamagitan ng edukasyon, adbokasiya, pagbibigay-serbisyo, pananaliksik, at pagbubuo ng samahan. 

    KARAPATAN: Alliance for the Advancement of People’s Rights
  • Itinatag noong 1974, ang samahan ay naglalayon na makapagbigay ng tulong sa mga biktima ng pang-aabuso sa karapatang pantao
    Free Legal Assistance Group (FLAG)
  • Ito ay nagbibigay ng proteksiyon at lunas sa karapatang magkaroon ng pribadong pamumuhay, at sa kalayaan o seguridad mula sa mga aksiyon ng ahensiya ng pamahalaan o pribadong indibidwal na may kakayahang makalikom ng mga datos o impormasyon.
    writ of habeas data
  • Ito ay nagbibigay naman ng proteksiyon sa buhay, kalayaan, at seguridad laban sa extrajudicial killing, enforced disappearance, at iba pang pagpapahirap na gawa ng ahensiya ng pamahalaan.
    writ of amparo
  • Ito ay nagbibigay-proteksiyon sa karapatan ng tao na mamuhay sa isang malinis at malusog na kapaligiran.
    writ of kalikasan
  • Ito ay kung saan malayang makakukuha ang mga mamamayan ng impormasyon tungkol sa mga gawain ng pamahalaan
    Freedom of Information