PAGBASA at WIKA

Cards (49)

  • Persepsyon – hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbulo at maging sa pagbigkas nang wasto sa mga simbulong nababasa
  • Komprehensyon – hakbang sa pagpoproseso ng mga informasyon o kaisipan, ito ay nagaganap sa isipan, nagaganap din ang pag-unawa sa tekstong binasa
  • Reaksyon – hinahatulan o pinagpapasyahan ang kawastuhan, kahusayan at pagpapahalaga sa tekstong binasa. Mayroon itong dalawang uri: Intelektwal at Emosyonal
  • Asimilasyon – isinasama at iniuugnay ang kaalamang nabasa sa mga dati nang kaalaman o karanasan
  • Scanning – paghahanap ng isang tiyak na informasyon sa isang pahina
  • paghahanap ng numero ng telepono sa direktoryo, nanalong numero sa lotto, pangalan ng nakapasa sa board exam ay isang halimbawa ng Scanning
  • Skimming – o pinaraanang pagbasa, pinakamabilis na pagbasa na nakakaya ng isang tao, ito ay ang pasaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya o informasyon
  • ginagamit sa pagpili ng aklat o magazin, pagtingin sa mga kabanata ng aklat bago ito basahin, paghahanap ng tamang artikulo sa pananaliksik ay isang halimbawa ng Skimming
  • Previewing – tinitignan muna ang pamagat, subheading, una at huling talata, introduksyon, buod, mga larawan, graphs at talaan ng nilalaman bago tuluyang basahin ang isang teksto
  • Casual – pagbasa ng pansamantala o di-palagian, magaan ang pagbasa
  • pagbabasa ng dyaryo o magazin habang may hinihintay ay isang halimbawa ng Casual
  • Pagbasang Pang-informasyon – ang layunin ay makakuha ng informasyon
  • pagbasa ng dyaryo, pagbasa ng libro kapag may assignment o quiz ay isang halimbawa ng Pagbasang Pang-informasyon
  • Masusing Pagbasa – ginagawa kapag may research o report
  • Re-reading – ginagawa kapag mahirap maintindihan at kapag nagbabasa ng akdang pampanitikan
  • Teoryang Bottom-Up - ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugtu-yugtong pagkilala ng mga titik sa salita, parirala at pangungusap ng teksto, bago pa man ang pagpapakahulugan sa buong teksto
  • Sa Teroyang Bottom-Up ang mga mambabasa ay isang passive na partisipant lamang
  • BOTTOM UP - ang tanging tungkulin niya ay ang maulit ang lahat ng detalyeng nakapaloob sa tekstong binasa
  • ang proseso ng pag-unawa sa BOTTOM UP ay nagsisimula sa teksto (bottom) patungo sa mambabasa (up)
  • Teoryang Top-Down - ang pag-unawa ay nagsisimula sa mambabasa (top) tungo sa teksto (down)
  • Sa Teroyang Top-Down, ang mambabasa ay isang active na partisipant
  • Teoryang Top-Down - may taglay na dating kaalaman (prior knowledge) na nakaimbak sa kanyang isipan at may sariling kakayahan sa wika (language proficiency) at kanyang ginagamit habang siya ay nakikipagtalastasan sa awtor sa pamamagitan ng teksto
  • Ang Teoryang Top-Down ay tinatawag din itong teoryang inside-out o conceptually driven
  • Teoryang Interaktiv - ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, ang isang mambabasa ay gumagamit ng kanyang kaalaman sa wika at mga sariling konsepto o kaisipan
  • dito nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor (bi-directional)
  • Teoryang Iskima -mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng mambabasa
  • Linggwistika - Makaagham na pag-aaral ng wika
  • Metalinggwistika - Sangay ng Linggwistika na tumatalakay sa pagkakaugnay-ugnay ng wika sa iba’t ibang kultural na salik ng sistemang panlipunan.
  • Henry Gleason - Masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong kabilang sa isang kultura.
  • George Lakoff - Ang wika ay pulitika, nagtatakda ng kapangyarihan, kumukontrol ng kapangyarihan kung paanong magsalita ang tao at kung paano sila maunawaan.
  • Archibald Hill - Isang pangunahin at pinaka-elaboreyt na anyo ng simbolong gawaing pantao.
  • Jose Villa Panganiban - Paraan ng pagpapahayag ng damdamin at opinyon sa pamamagitan ng mga salita upang magkaunawaan ang mga tao.
  • Nenita Papa - Wika ang ginagamit natin upang malayang maipahayag ang ating iniisip at nadarama.
  • Pamela Constantino at Monico Atienza - Wika bilang mahalagang kasangkapan sa pag-unlad kapwa ng indibidwal at ng bansa.
  • Kahalagahan ng Wika: Instrumento ng Komunikasyon, Nag-iingat at nagpapalaganap ng kaalaman, Nagbubuklod ng bansa, Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip
  • Katangian ng Wika: Pantao, Malikhain, Arbitraryo, Buhay/dinamiko, Nakabuhol sa Kultura, Ginagamit sa Komunikasyon, Natatangi, Sinasalitang tunog, May masistemang balangkas, at Panto.
  • Ang pagbasa ay pagkilala, pagkuha ng mga ideya, at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang magbigkas ng pasalita.
  • Pag-unawa sa wika ng awtor sa pamamagitan ng mga nakasulat na simbulo. Pagbasa
  • Paraan ng pagkilala, pagpapakahulugan at pagtataya sa mga simbulong nakalimbag. Pagbasa
  • Isang bahagi ng komunikasyon na kahanay ng pakikinig, pagsasalita at pagsulat. Pagbasa