Pokus sa Tagaganap o Aktor: ang pandiwa ay nasa pokus sa tagaganap kapag ang paksa ang gumaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa
Pokus sa Layon o Gol: ang pandiwa ay nakapokus sa layon kung ang layon ay ang paksa o ang binibigyang-diin sa pangungusap at ang gumagawa ng kilos ay nasa bahagi ng panaguri
Pokus sa Ganapan o Lokatib: ang pandiwa ay nasa pokus sa ganapan kung ang paksa ay lugar o ganapan ng kilos
Pokus sa Gamit o Instrumental: ang pandiwang ito ay nagsasaad na ang kasangkapan o bagay ay ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa at siyang paksa sa pangungusap
Talasalitaan
Kasalungat: Determination at pagsusumikap - katamaran
Linangin at pagyamanin - mapabayaan
Mabilisan at madaliang - matagalan
Nagkakaalitan at nagkakagalit - nagkasundo
Kahulugan: Lutasin - solusyonan
Pangarap - ambisyon
Tugma - pareho
Kapiling - kasama
Tumibay - tumatag
Uri ngPandiwa
Katawanin: ang mga pandiwang nakatatayong mag-isa at hindi na nangangailangan ng tuwirang layon tatanggap ng kilos
Palipat: ang pandiwa kapag may tuwirang laying tumatanggap ng kilos
Pang-uri at Uri Nito
Ang pang-uri ay salitang naglalarawan o nagbibigay-turing da pangngalan o panghalip
Panlarawan
Naglalarawan ng hugis, anyone, lasa, amoy, kulay, at laki ng mga bagay
Naglalarawan ng mga katangian at ugali ng isang tao o hayop
Naglalarawan ng layo, lawak, ganda at iba pang katangian ng mga lugar
Pamilang
Mga salitang nagsasaad ng bilang ng mga pangngalan
Nagsasaad sa dami o kakauntihan ng mga pangngalang inilalarawan
Uri ng Pang-uring Pamilang
Patakaran: mga basal na bilang o mga batayan bilang
Halimbawa: isa, pito, sanlibo, limandaan
Panunuran: nagsasabi ng pagkakasunod-sunod ng mga pangngalan o pang-ilan
Halimbawa: una, ikatlo, pansampu
Pamahagi: nagsasaad ng bahagi o parte ng isang kabuoan