Aralin 2|Mga Isyu sa Kasarian: Diskriminaasyon at Karahasan

Cards (14)

  • Nananatiling malaking isyu at hamon ang pagkakapantay-pantay ayon sa kasarian.
  • Tinawag ni Hillary Clinton (2011) na "invisible minority" ang mga LGBT, ang kanilang mga kwento at itinago, inilihim at marami sa kanila ang nanahimik sa takot.
  • Ayon sa pag-aaral ng United Nations Office of the High Commissioner for Human Rights o UN-OHCHR taong 2011 na may mga LGBG bata man o matanda ang nakakaranas ng di pantay na pagtingin at pagtrato ng kanilang kapuwa, pamilya, komunidad, at pamahalaan.
  • Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women (CEDAW) - may mga insidente sa ilang bansa na may hindi pantay na pagtingin sa mga babae.
  • Diskriminasyon - anumang pag-uuri, eksklusyon o restriksyon batay sa kasarian na sanhi ng hindi pagkilala at paggalang ng mga karapatan at kalayaan
  • Diskriminasyon - mababang pagtingin sa isang tao, mga negatibo at di makatarungang pagturing o pagtrato sa isang tao base sa kanyang kasarian
  • Malala Yousafzai
    1. Ipinanganak noong July 2, 1997 sa Mingora, Swat Valley sa hilagang bahagi ng Pakistan, malapit sa Afghanistan
  • Taong 2002 nang masakop ng Taliban ang Swat Valley sa Pakistan at nagpatupad ng mga patakarang nakabatay sa batas Sharia ng Muslim.
    Kabilang dito ang:
    • Pagpapasara ng mga dormitoryo at paaralan
    •higit 100 ang nasunog na paaralan upang hindi makabalik ang mga babae sa pag-aaral
  • Taliban
    •isang kilusang politikal na nagmula sa Afghanistan
    •tinutuligsa ang Taliban sa konserbatibong pananaw at pag-intindi nito sa Qur'an
    •mga akusasyon ay: massacre, human trafficking, di pantay na pagtrato sa kababaihan, at suicide bombing
  • Nagsimula ang mga pagpapahayag ni Malala ng kanyang adbokasiya noong 2009, lumawak ang impluwensiya nito dahil sa pagsusulat at mga panayam sa pahayagan at telebisyon.
  • Dahil sa paglaban ni Malala para sa karapatan ng kababaihan ay binaril siya noong October 9, 2012 ng isang miyembro ng Taliban habang nasa bus patungong paaralan.
  • Matapos maoperahan si Malala sa pagkakabaril ibat-ibang pagkilala ang kanyang natanggap, at itinatag niya noong 2013 ang Malala Fund.
  • Malala Fund - isang organisasyong naglalayon na makapagbigay ng libre, ligtas, at de-kalidad na edukasyon sa loob ng 12 taon
  • Iginawad kay Malala ang Nobel Prize kasama ang aktibistang si Kailash Satyarthai noong 2014. Nakapagtayo na rin siya ng paaralan sa Lebanon para sa mga batang babae na biktima ng digmaang sibil sa Syria.