Ang talinghaga, talinhaga, o parabula ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya.
Parabula
Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral.
Parabula
Ang salitang "parabula" ay mula sa Griyegong salita na "parabole" na nangangahulugang "paghahambing" o "pagsasalungatan."
Sa pamamagitan ng paggamit ng mga kuwentong ito, nagagawang ipahayag ng mga manunulat at mambabasa ang mga konsepto, prinsipyo, at kahalagahan sa isang mas malinaw at kawili-wiling paraan.
Parabula
Ang mga mensahe ng parabula ay isinusulat sa matatalinghagang pahayag.
Ang mga pangunahing tauhan sa parabula ay mga tao.
Ang mga aral na mapupulot dito ay magsisilbing patnubay sa marangal nilang pamumuhay.
Parabula
ito ay maaaring lugnay sa karanasan at pangyayari sa buhay ng tao o sa paligid.
Parabula
Halimbawa ng Parabula
Ang Parabula ng Alibughang Anak (The Prodigal Son)
Ang Mabuting Samaritano (The Good Samaritan)
Ang Mayaman at si Lazaro (The Rich and Poor Lazaro)
Ang matatalinghagang pahayag ay mga salita o pariralang nagsasaad ng natatagong kahulugan kaugnay ng isang bagay o kaisipan.
Nakatutulong ang matatalinghagang pahayag upang bigyang-kulay ang nais ipahayag.
Ito rin ay nakatutulong upang mapag-isipan ng nakikinig o nagbabasa ang isang pahayag sa mas malalim na kahulugan.
Matatalinhagang Pahayag
Sinasalamin ng matatalinhagang pahayag ang ilang katangiang Pilipino katulad ng pagiging konserbatibo.
Tumutukoy sa hindi tuwirang paglalahad ng nais sabihin, at pagiging malikhain sa pamamagitan ng paggamit ng mga karanasan at karunungan upang makapagpahayag.
Matatalinhagang Pahayag
Napakahalaga ng paggamit ng matatalinghagang pahayag, sapagkat para sa nagsasalita, nagiging mas masining ang pagpapahayag.
Para naman sa tumatanggap nito (tagapakinig o mambabasa), nalilinang ang mas malalimnapag-iisip sa kahulugan ng mga salitang ginagamit.
Matatalinhagang Pahayag
Ito ay isang tulang liriko na naglalarawan ng pagbubulaybulay o guni- guni na nagpapakita ng masidhing damdamin patungkol sa alaala ng isang mahal sa buhay.
Elehiya/Awit
Karaniwang ibinibigay ito ng isang miyembro ng pamilya o malapit na kaibigan sa isang libing habang pinararangalan nila ang namatay.
Elehiya/Awit
Ito ay naglalaman ng malalalim na damdamin tulad ng kalungkutan, pagkabigo, hinagpis o kasiyahan.
Elehiya/Awit
Ito ay malayang pagpapahayag ng nararamdaman ng tao, kung saan ang mga salita ay nagbibigay-lunas at lunas sa kalungkutan ng puso
Elehiya/Awit
Ang kabuoang kaisipan ng elehiya. Kadalasang konkretong kaisipan at pwedeng pagbasehan ang karanasan
Tema
Tauhan – Mga taong kasangkot sa tula.
Lugar o panahon na pinangyarihan ng tula.
Tagpuan
Nakikita ang nakaugalian o isang tradisyong masasalamin sa tula.
Mga kaugalian o tradisyon
Maaaring pormal o di- pormal
Wikang ginagamit
Ito ay standard na wika na naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay.
Pormal
Ito ay karaniwang salita na ginagamit sa pang-araw-araw na usapan
Di-pormal
– Ito ay ginaagamit upang ipahiwatig ang isang kaisipan o ideya.
Pahiwatig o Simbolo
Ito ay tumutukoy sa emosyong nakapaloob sa tula
Damdamin
Ito ay isang bahagi ng pananalita na nagbibigay kahulugan o turing sa ngalan ng tao, bagay, lugar, pangyayari, at marami pang iba.
Pang-uri
Ito ay kadalasang ginagamit para bigyang linaw ang isang uri ng pangngalan (noun) o panghalip (pronoun).
Pang-uri
Paraan Upang Maipahayag ang Masidhing Damdamin
Pag-uulit ng pang-uri
Paggamit ng mga panlapi
Pagpapasidhi ng anyo ng pandiwa
Paggamit ng mga pangungusap na walang paksa
Mainit na mainit ang damdamin ng mga nagtatalo kanina.
Pag-uulit ng pang-uri
Maaaring gumamit ng mga panlaping nagpapakita ng pasukdol na katangian tulad ng napaka- , nag- , -an, pagka- , kay- , pinaka- , ka- , lubhang at ang pingasamang walang at kasing.
Paggamit ng mga Panlapi
Panlaping magpaka-
Pagpapasidhi ng Anyo ng Pandiwa
Sugod! Kay Hirap ng Buhay! Ang Tapang! Grabe! Naku!
Paggamit ng mga Pangungusap na Walang Paksa
Ang mga pangyayari ay nag-iiwan ng kakintalan sa isip ng mambabasa.
Maikling Kuwento
Ito ay maikli at matatapos basahin sa iisang upuan lamang.
Maikling Kuwento
Ito ay isang maikling salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan.