Araling Panlipunan

Cards (28)

  • kumperensiya - isang pormal na pagtitipong politikal upang pag-usapan ang isang proyekto
  • katiwalian - mga suliraning pampolitika, korupsiyon
  • MAPHILINDO - sang samahang itinatag noong panahon ni Pangulong Macapagal na binubuo ng mga bansang Malaysia, Pilipinas, at Indonesia
  • Carlos P. Garcia - nagpatuloy ng panunungkulan ni Pang. Magsaysay; binigyang-pansin niya ang pagpapaunlad sa antas ng pamumuhay ng mga mamamayan
  • Austerity Program - programang inilunsad ni Pangulong Garcia na may kinalaman sa pagtitipid
  • Filipino First Policy - patakarang nagbigay ng priyoridad sa mga Pilipino upang paunlarin ang kayamanan ng bansa
  • Association of Southeast Asia (ASA ) - layunin nitong pag-isahin at pagbuklurin ang mga kaanib ng bansa sa pagtutulungang pangkabuhayan at pangkultura 
  • National Marketing Corporation o NAMARCO - isang korporasyon ng pamahalaan na ang tungkulin ay tustusan ng mga paninda ang mga Pilipinong nagtitingi
  • Diosdado P. Macapagal - pinahayag niyang siya ang pinakahandang pangulo ng Pilipinas, sapagkat siya ay may sapat na kaalaman sa larangan ng ekonomiya at kabuhayan
  • Ferdinand E. Marcos, Sr. - ikaanim na pangulo ng Ikatlong Republika; ipinahayag niya sa taong-bayan na “ang Pilipinas ay magiging dakilang muli”
  • Philippine Civic Action Group (PHILCAG) - binubuo ng mga sundalo, inhinyero, nars at mga doktor upang manggamot sa mga libo-libong sibilyan ng Timog Vietnam at tumulong sa pagtatayo ng mga tahanang napinsala ng digmaan 
  • Luntiang Himagsikan - isang programang pangkapaligirang inilunsad noong panahon ni Marcos, Sr.
  • ASEAN - Association of Southeast Asian Nations
  • IMF - International Monetary Fund
  • WB - World Bank
  • Mga orihinal na kasapi ng ASEAN: Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Singapore, Thailand
  • charter - batas o kasulatang naglalaman ng mga alituntuning dapat sundin 
  • pagluluwas - pagbebenta ng mga produkto at hilaw na materyales sa ibang bansa
  • pag-aangkat - pagbili ng mga produktong gaya ng makinarya, teknolohiya, o serbisyo mula sa ibang bansa 
  • tingian - tuwirang pagbebenta ng mga produkto o paninda sa mga mamimili sa paraang paisa-isang piraso
  • Land Tenure Reform Law - itinadhana ang paghahati-hati ng malalaking asyendang bibilhin ng pamahalaan upang maipamahagi nang hulugan sa mga kasama
  • Retail Trade Nationalization Act - batas na nagtatakda na ang makapangangalakal lamang ng tingian sa bansa at ang korporasyon o samahang ganap na Pilipino
  • Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration (ACCFA) - tumutulong sa mga magsasaka sa pagbebenta ng kanilang mga ani 
  • Farmers Cooperative Marketing Association (FACOMA) - isang kooperatibang tumutulong sa mga magsasaka na makabili ng sarili nilang kagamitan sa pagsasaka
  • Bangko Sentral ng Pilipinas - kinikilalang charter ng ekonomiya ng bansa; tumatayong tagapayo ng pamahalaan pagdating sa mga usaping pinansyal ng bansa 
  • Agricultural Land Reform Code - kodigo kung saan inalis ang dating paraan ng pagkakasama kung saan ang nakagawiang hatian sa ani ng bukid na 50:50 ay ginawang 25 % na lamang ng ani matapos awasin ang puhunan ng may lupa
  • Arturo Tolentino - isang senador na nagmungkahi na kinakailangang huwag manatiling Ingles ang gagamiting wikang panturo sa mga paaralan at sa halip ay gamitin ang wikang vernacular
  • paaralang pampamayanan - kung saan ang kurikulum at pamamaraan ng pagtuturong gagamitin sa mga paaralang ito ay nakabatay sa pangangailangan ng mga naninirahan sa mga komunidad at mga suliraning dapat masolusyunan