AP DISKRIMINASYON

Subdecks (1)

Cards (43)

  • Diskriminasyon
    Ito ay ang hindi patas o hindi makatuwirang pagtingin o pagtrato sa isang tao o sa isang grupo ng mga tao, dahil sa kanilang anyo, lahi, paniniwala, kasarian, seksuwalidad, at iba pa.
  • Pangaabuso
    Ito ay ang pagtrato sa sinuman nang may karahasan o kalupitan, lalo na kung paulit-ulit.
  • Gender Discrimination
    Kilala rin bilang diskriminasyong seksuwal (sexual discrimination)
  • Gender Discrimination
    ito ay anumang aksiyon na nagkakait ng mga oportunidad, pribilehiyo, o gantimpala sa isang tao (o isang grupo) dahil sa kasarian. Ang karaniwang biktima nito ay ang mga kababaihan at miyembro ng LGBTQ+.
  • Gender Discrimination
    Ito ay makikita sa maraming anyo tulad ng sexual harassment at hindi pantay na pagtingin sa kababaihan o miyembro ng LGBTQ+.
  • Gender Discrimination
    Ang sexual violence at sexual discrimination ay sinasabing kapwa nag-uugat sa mababang pagtingin sa kasarian ng biktima, pangkaraniwan ang mga babae at LGBTQ+.
  • Diskriminasyon sa Kasarian (Gender Discrimination)
    may iba't-ibang anyo gaya ng sexual harassment, sexual abuse, sexual assault, at rape.
  • Domestic Violence ( Karahasan sa Tahanan)

    Anumang anyo ng pisikal o seksuwal na pang-aabuso at emosyonal na pagmamanipula o pagkontrol
  • Domestic Violence ( Karahasan sa Tahanan)

    Ito ay tumutukoy sa marahas o agresibong gawi sa loob ng tahanan. Ang halimbawa nito ay ang paulit- ulit na pang-aabuso sa asawa, kinakasama, anak, o kasama sa bahay.
  • Human trafficking
    Rape at Prostitusyon
  • Saliwang Diskriminasyon (Reverse)

    ito ay ukol sa mga kabilang sa advantaged group na siya namang nilalabanan ng mga nasa disadvantaged group. - kalimitang nangyayari ang ganitong mga insidente sa trabaho.
  • Mga Salik na dahilan ng diskriminasyon sa kasarian
    1. Relihiyon at Kultura
    2. Pisikal na Kaanyuan
    3. Trabaho
    4. Edukasyon
  • Relihiyon at Kultura
    Ang ama ang dapat mamuno sa pamilya at ang ina ang dapat magpasakop o sumunod sa kanya.

    Ang tradisyunal na paniniwala sa maraming kultura na sinasang-ayunan ng mga Banal na Kasulatan ay dalawa lamang ang tanggap na kasarian (gender) ang lalaki at babae. Ang ganitong paniniwala ay natural na nagbubunga ng diskriminasyon sa mga taong lilihis sakategoryang lalaki at babae.
  • Pisikal na Kaanyuan
    Ang mga babae ay pangkaraniwan nang nakikita bilang mas maliliit at mas mahihina. Kung ang pagiging brusko ay tanggap na katangian ng mga lalaki, ang mga babae naman ay inaasahan na maging mahihinhin.
  • Trabaho
    Ang trabaho ay nagsisilbi ring salik ng diskriminasyon sapagkat may mga uri ng hanapbuhay
    o propesyon na parang nilikha lamang sa "mas malakas" na kasarian - ang lalaki
    - Sa ilang bansa, ang pagiging abogado at inhinyero ay nakalaan lamang sa mga lalaki.
  • Trabaho
    Posisyon sa trabaho, pa-suweldo, promosyon, pag-insulto, pinag-iinitan, sexual harassment - ang ilan sa mga nararanasan ng iba sa trabaho, dahil sa kanilang kasarian.
  • Edukasyon
    May mga kursong pinaniniwalaang dapat kunin ng lalaki lamang o kaya ay ng babaelamang. Ang kursong nursing naman ay dating iniaalok lamang sa kababaihan. Ang ganitong patakaran ay lalong nagpapaigting sa paniniwalangang mga gender ay hindi magkakapantay.