LESSON 2

Cards (21)

  • Ito ay isang modelong ginawa ng isang French Economist na si Francis Quesnay noong 1758, kung saan ipinapakita nito kung ano ang ugnayan ng mga produkto, serbisyo, at pera ng iba't ibang sektor ng ekonomiya.
    Paikot na daloy ng ekonomiya
  • Ito ay nagkakaloob ng serbisyong pampubliko
    Pamahalaan
  • Binubuo ito ng mga prodyuser na taga gawa ng kalakal at serbisyo na ginagamit ng sambahayan
    Bahay-kalakal
  • Ito ay binubuo ng mga mamimili na gumagamit ng mga produkto at serbisyo.
    Sambahayan
  • Ito ay tumutukoy sa pamilihan na nagbebenta ng mga gawang produkto at serbisyo sa sambahayanan
    Pamiilihan ng kalakal at paglilingkod
  • Mapagkukunan ng mga kailangang materyal ng mga negosyo upang makabuo ng produkto o serbisyo
    Pamilihan ng salik ng produksyon
  • Mga pinaglalagyan ng pera ng sambahayan na hindi nagagamit sa pamimili ng produkto/serbisyo kung saan puwede ring humiram ng pera ang mga bahay-kalakal na siyang tumatanggap ng ipon at pondo.
    Pamilihang Pinansiyal
  • Mga pamilihang nasa labas ng bansa na nag-aalok ng iba o magkaparehong produkto at serbisyo
    Panlabas na sektor
  • Ano ang 4 na uri ng aktor/tagaganap?
    Bahay Kalakal
    Sambahayan
    Pamahalaan
    Panlabas na sektor
  • Ano ang 3 na uri ng pamilihan?
    Commodity
    Resource
    Financial market
  • Ano ang 3 na uri ng kagamitan?
    Kita
    Gastusin
    Buwis
  • Ano ang 4 na uri ng gawain?
    Pagkonsumo
    Pag-iimpok
    Pamumuhunan
    Pampublikong paglilingkod
  • Ano ang mga 3 modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya?
    Pinakapayak na ekonomiya
    Sistema ng Pamilihan
    Pag-iimpok at pamumuhunan
  • Ang sambahayan at bahay kalakal ang pangunahing aktor sa modelong ito na kung saan ang sambahayan at bahay-kalakal ay iisa sa ekonomiya
    Pinakapayak na ekonomiya
  • Sa modelong ito, ang sambahayan at bahay kalakal ang pangunahing aktor, ngunit magkaiba na ang kanilang gampanin sa ekonomiya.
    Sistema ng pamilihan
  • Sa modelong ito, ang sambahayan at bahay-kalakal ay nagsismulang isaalang-alang ang hinaharap kung kaya't natututo silang mag-iimpok at mahuhunan
    Pag-iimpok at Pamumuhunan
  • Inilarawan ang daloy ng pera sa pagitan ng sambahayan at bahay-kalakal.
    Paikot na daloy ng kita
  • Inilarawan ang daloy ng produkto at serbisyo sa pagitan ng sambahayan at bahay-kalakal.
    Paikot na daloy ng produkto at serbisyo
  • Maliban sa pagpili ng produkto o serbisyo, napupunta rin ang bahagi ng kita ng sambahayan sa pamahalaan sa pamamagitan ng buwis.
    Paikot na daloy sa pamimilihan
  • Ang tawag sa pagtatabi ng pera sa mga pamimilihang pampinansyal ay pag-iimpok.
    Paikot na daloy sa Pamilihang Pampinansyal
  • Hindi lahat ng produkto at serbisyo ay kayang gawin at ibenta ng mga bahay-kalakal sa bansa
    Paikot na daloy sa panlabas na sektor