Jean Jacques Rousseau (roo-SOH). Nagmula sa isang mahirap na pamilya, si Rousseau ay kinilala dahil sa kahusayan sa pagsulat ng mga sanaysay na tumatalakay sa kahalagahan ng kalayaang pang-indibidwal (individual freedom). Taliwas sa nakararaming philosophe na nagnanais ng kaunlaran, siya ay naniniwala na ang pag-unlad ng lipunan o sibilisasyon ang siyang nagnakaw sa ‘kabutihan’ ng tao.