Malaman ang mga pangyayari sa ating kasaysayan noon at lubusang mauunawaan ang dahilan sa mga pangyayari sa kasalukuyang henerasyon
Pagbasa ang pangunahing libangan ng tao noong wala pa ang telebisyon, computer, tablet, at marami pang gadgets na nasipaglabasan ngayon
Makapaglalakbay ang tao sa kanyang isipan o imahinasyon sa pamamagitan ng pagbasa
Mapapayaman ang bukabularyo at ang ponetiko ng mambabasa
Pangmoral
Mga Teorya ng Pagbasa:
Teoryang Bottom-up: Tradisyunal na pananaw sa pagbasa na bunga ng impluwensiya ng teoryang behaviorist
Teoryang Top-down: Pananaw sa pagbasa na nagsisimula sa isip ng tagabasa (top) tungo sa teksto (down), tinawag itong "top-down"
Teoryang Interactive: Kombinasyon ng "bottom-up" at "top-down", naniniwala na ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipang ng manunulat at sa pag-uunawa nito, ginagamit ng mambabasa ang kanyang dating kaalaman sa wika at sariling kaisipan
Teoryang Schema: Organisasyon at pag-iimbak ng ating dating kaalaman at ang mga karanasan, lahat ng ating natutunan at nararanasan ay nagalagay sa isipan at maayos na nakalahad (Stock knowledge)
Kategorya sa Pag-uunawa ng binasa:
Pag-uunawang Literal: Nagbibigay diin ng mga impormasyong tuwirang nakalahad sa teksto, sumasagot sa tanong na literal at simpleng pag-alaala sa mga impormasyon
Interpretasyon: Sumasagot sa mga tanong na hindi tuwirang nakalahad sa teksto ngunit nakapahiwatig lamang
Mapanuring pagbasa: Pagtuklas sa mga suliraning nakapaloob sa teksto
Malikhaing pagbasa: Gumamit ang tagabasa ng kakaibang kasanayan sa pag-iisip ng lagpas sa antas ng pag-uunawang literal, interpretasyon, at mapanuring pagbasa, sinisikap na makabuo ng bago o pamalit na solusyon sa hinain ng author
Mga hakbang sa Pagbasa:
Persepsyon: Kakayahang makakakilala at makakabigkas ng salita bilang isang makabuluhan simbolo o yunit
Pag-uunawa: Pagpapabatid o pag-uunawa sa mga kaisipang ipinapahayag, 2 uri (Konotasyon at Denotasyon)
Reaksyon: Pagpasiya sa kawastuhan, kahusayan at pagpapahalaga sa mga isinusulat ng autor
Integrasyon: Pag-uugnay o pagsama-sama ng mga nakaraan at bagong karanasan tungo sa realidad ng buhay