Graft ang tawag sa pagkuha ng pera o posisyon sa paraang taliwas sa batas
Corruption ang tawag sa intensyonal o tuwirang pagtatakwil sa tungkulin at obligasyon ng isang opisyal ng pamahalaan.
Graft and Corruption ang karaniwang paratang sa mga opisyal ng pamahalaan na ginagamit ang pampublikong pondo para sa kanilang pansariling interes.
Ang Denmark, Finland, Sweden, NewZealand, Switzerland, at Singapore ay may pinakamababang antas ng corruption
Ang Yemen, Venezuela, Syria, South Sudan, at Somalia ang may pinakamataas na antas ng corruption
Ika 115th ang Pilipinas mula sa bansang may pinakamababang kaso ng corruption ayon sa Transparency Internationals Corruption Perception Index (CPI) noong 2023
Ang Transparency International ay isang organisasyon na itinatag noong 1993 at may layuning makipagtulungan sa mga pamahalaan, negosyante, atbp
Red Tape ang tawag sa mabagal na proseso ng pakikipagtransaksyon sa pamahalaan
Ang Republic Act No. 3019 o Anti Graft and Corruption Practices Act ay isang batas laban sa lahat ng mga "corruptpractices" na hindi nararapat gawin ng isang kawani at opisyal ng pamahalaan
Ang Ombudsman ay may kapangyarihan magimbestiga ng mga kaso ng panunuhol at pagnanakaw sa pamahalaan.
Ang Ombudsman ay binuo ni Pang. Ferdinand Marcos sa batas na Presidential Decree No. 1487
Ang Sandiganbayan ay may karapatang magpasiya sa mga kaso tungkol sa pagnanakaw at korupsiyon ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan.
Ang Sandiganbayan ay nabuo noong June 11, 1978. Presidential Decree No. 1486.
Executive Order No. 43 ay naglalahad ng mithiin ng pamahalaan na magkaroon ng mapayapa at maunlad na bansa.
Ang Executive Order No. 43 ay binuo ni Pang. Benigno Noynoy Aquino III noong May 13, 2011. Sumasangayon ito sa RA No. 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees