FILIPINO5

Cards (17)

  • obhetibo purong tiyak na impormasyon o datos; walang halong opinyon
  • igagawad- ibibigay; ipagkakaloob
  • anibersaryo: taunang pagdiriwang ng isang mahalagang bagay o pangyayari
  • talaan listahan
  • Ang tekstong impormatibo ay tekstong nagbibigay o nagtataglay ng tiyak na impormasyon tungkol sa isang tao, bagay, lugar, o pangyayari. Sinasagot nito ang mga tanong na ano,sino, at paano tungkol sa isang paksa
  • Upang matiyak na obhetibo ang mga detalye sa loob ng tekstong impormatibo, maaari itong magkaroon ng dalawang uri ng impormasyon—tuwiran at hindi tuwiran.
  • Sa tuwiran, ang impormasyon ay mula sa orihinal na pinagmulan nito o batay sa kaalaman ng nagpapahayag o may-akda. Halimbawa, ang nagsasalaysay ay saksi sa isang pangyayari.
  • Sa hindi tuwiran, ang impormasyon ay mula sa kuwento ng ibang tao na naipasa na lamang sa iba. Halimbawa, isinasalaysay ng may-akda ang isang pangyayaring naikuwento sa kaniya ng isang kaibigan.
  • Ang balita ay impormasyon tungkol sa napapanahong pangyayari. Ito ay maaaring nakalimbag, napanonood sa telebisyon, naririnig sa radyo, at nababasa online. Nilalayon nitong makapagbahagi ng makabuluhang impormasyon sa publiko.
  • Ang patalastas ay anunsiyo tungkol sa produkto, serbisyo, o okasyong nais ipaalam sa publiko. Ito ay maaaring inililimbag, napanonood sa telebisyon, naririnig sa radyo, at nababasa online. Nilalayon nitong makabenta ng kaniyang ipinakikilalang produkto, serbisyo, o okasyong nais padaluhan.
  • Ang anunsiyo ay pormal na paglalahad sa publiko tungkol sa isang katunayan, intensiyon, gawain, o pangyayaring dapat malaman ng mga tao. Ito ay maaaring inililimbag, napanonood sa telebisyon, naririnig sa radyo, at nababasa online. Nilalayon nitong magbahagi ng impormasyon o magpadalo sa isang okasyong ipinatatangkilik nito.
  • Ang memorandum ay dokumentong naglalaman ng impormasyon tungkol sa kautusang isasagawa, o dapat sundin, o hindi kaya ay naglalaman ng pagbabago sa isang kautusang dati nang naipatupad. Ito ay mababasa sa nakalimbag na anyo at maging online.
  • Mga Kategorya ng Tekstong Impormatibo
    midyum kung paano ito naipararating,
    katangian ng haba nito,
    paksa,
    Pinagmulan ng impormasyon,
    layunin ng pagpaparating ng impormasyon, at
    kung ano-anong detalye ang nilalaman nito
  • Anunsiyo
    • Midyum: Nakalimbag, Telebisyon, Radyo, Online
    • Katangian: Maikli
    • Paksa: Pangyayari, intensyon, gawain
    • Pinagmulan ng Impormasyon: Kahit sino
    • Layunin: Makapagbahagi ng napapanahong impormasyon
    • Nilalaman: Sino, Ano, Kailan, Saan, Paano
    1. Patalastas
    • Midyum: Nakalimbag, Telebisyon, Radyo, Online
    • Katangian: Maikli
    • Paksa: Produkto, serbisyo, okasyon
    • Pinagmulan ng Impormasyon: Pribadong kompanya
    • Layunin: Makapagbenta
    • Nilalaman: Ano, Paano
    1. Memorandum
    • Midyum: Nakalimbag, Online
    • Katangian: Maaaring maikli o mahaba
    • Paksa: Kautusang isasagawa o dapat sundin
    • Pinagmulan ng Impormasyon: Pamahalaan o pribadong kompanya
    • Layunin: Makapagpasunod
    • Nilalaman: Sino, Ano, Kailan, Saan, Paano
  • Balita
    • Midyum: Nakalimbag, Telebisyon, Radyo, Online
    • Katangian: Maaaring maikli o mahaba
    • Paksa: Pangyayari
    • Pinagmulan ng Impormasyon: Mamamahayag
    • Layunin: Makapagbahagi ng makabuluhan at napapanahong impormasyon
    • Nilalaman: Sino, Ano, Kailan, Saan, Paano