AP: REPORMASYON

Cards (14)

  • Ang Repormasyon na pinangunahan ng German na si Martin Luther, ang English na si John Wycliffe, at ng Czech na si John Huss. Si John Wycliffe ay isang iskolar sa Oxford Uni- versity at si John Huss naman ay mula sa University of Prague sa Bohemia.
  • Isa sa mga pangunahing tagapagtaguyod ng maagang bersiyon ng protestantismo ang English na si John Wycliffe
  • Si John Wycliffe ay tumutol sa pribilehiyadong katayuan ng mga kaparian at ang pagiging maluho ng Simbahan sa seremonya
  • Mahalaga rin ang papel na ginampanan ng Czech na si John Huss na sumunod kay Wycliffe na itinuturing na unang repormista dahil sa pagiging impluwensiyal ng kanyang mga sulatin hinggil sa mga kritisismo sa Simbahan, at siya ay sinunog bilang heretiko dahil sa pagtuligsa sa Simbahan.
  • Matindi ang naging impluwensiya nina Wycliffe at Huss kay Martin Luther, na kinilala naman bilang tagapagtatag ng Simbahang Protestante pagsapit ng ika-16 na siglo.
  • Ang indulhensiya ay kabayaran sa mga pari o donasyon sa Simbahan upang matulungang mapunta sa langit ang mga kaluluwang pinaniniwalaang nasa purgatoryo.
  • 95 Theses ang paniniwalang hindi sa mabubuting gawa magkakaroon ng kaligtasan ang kaluluwa ng tao kundi sa pamamagitan ng pananampalataya.
  • Diet of Worms kung saan nais ng emperador na ipaliwanag ni Luther ang kaniyang mga idea at humingi ng patawad para dito.
  • Si Charles V ang Holy Roman Emperor mula 1519-1556 na nagsilbi ring Hari ng Spain at archduke ng Austria.
  • Upang matugunan ang mga kritisismo sa Simbahan, naglunsad ito ng mga patakaran bilang sagot sa pag-atake ng mga Protestante sa Simbahan. Ti- nawag itong Kontra-Repormasyon
  • Society of Jesus ay isang ordeng monastiko na itinatag ni Ignatius de Loyola noong 1534 na ang layunin ay pagbabalik sa pinakaistriktong pagsunod sa kapangyarihan at herarkiya ng Simbahan.
  • Nakilala ang mga kasapi ng Society of Jesus bilang mga Heswita (Jesuit)
  • Inquisition o pagpaparusa sa mga heretiko
  • Bilang isang mahalagang hakbang sa pagpapatupad ng Kontra-Repor- masyon, ipinatawag ni Pope Paul III noong 1545 ang Council of Trent upang linawin ang kahulugan ng doktrina ng Simbahan at nagwakas lamang noong 1563.