Tekstong Descriptibo

Cards (23)

  • Ito ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iginuguhit kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan.
    Tekstong Descriptibo
  • Ano-ano ang 5 Cohesive Device o Kohesyong Gramatikal?
    Reperensiya, Substitution, Ellipsis, Pang-ugnay, Kohesiyong Leksikal
  • Anong Cohesive Device o Kohesiyong Gramatikal ang paggamit ng mga salitang maaaring tumutukoy o maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap?
    Reperensiya
  • Anong Cohesive Device o Kohesiyong Gramatikal ay paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita?
    Substitution
  • Anong Cohesive Device o Kohesiyong Gramatikal ay may binabawas na bahagi ng pangungusap suballit inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap?
    Ellipsis
  • Anong Cohesive Device o Kohesiyong Gramatikal ay nagagamit ang mga pang-uugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala sa parirala at pangungusap sa pangungusap?
    Pang-ugnay
  • Anong Cohesive Device o Kohesiyong Gramatikal ay mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesiyon?
    Kohesiyong Leksikal
  • Ano-ano ang dalawang uri ng Kohesiyong Leksikal?
    Reiterasyon at Kolokasyon
  • Ano-ano ang tatlong uri ng Reiterasyon?
    Pag-uulit o Repetisyon, Pag-iisa-isa, Pagbibigay-kahulugan
  • Anong uri ng Reitarasyon ang pangugusap na ito?
    "Maraming mga bata ang hindi nakapasok sa paaralan. Ang mga batang ito ay nagtatrabaho na sa murang gulang pa lang."
    Pag-uulit o Repetisyon
  • Anong uri ng Reiterasyon ang pangugusap na ito?
    "Nagtatanim sila ng gulay sa bakuran. Katulad ng talong, sitaw, kalabasa at ampalaya."
    Pag-iisa-isa
  • Anong uri ng Reiterasyon ang pangungusap na ito?
    "Marami sa mga batang manggagawa nagmula sa mga mga pamilyang dukha. Mahirap sila kaya ang pag-aaral ay naiisantabi kapalit ng ilang baryang naiaakyat nila para sa hapag-kainan."
    Pagbibigay-kahulugan
  • Sa uri ng Kohesiyong Leksikal ito ay mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o may kaugnayan sa isa’t isa kaya’t kapag nabanggit ang isa ay maiisip din ang isa.
    Kolokasyon
  • Ano-ano ang mga Tekstong Descriptibong Bahagi ng Iba Pang Teksto?
    Clue:
    P___________ sa T_____
    P___________ sa D_______ o E______
    Paglalarawan sa Tauhan at Paglalarawan sa Damdamin o Emosyon
  • Anong Tekstong Descriptibong Bahagi ng Iba Pang Teksto ay mailarawan ang itsura at mga detalye patungkol sa tauhan kundi kailangang maging makatotohanan din ang pagkakalarawan dito?
    Paglalarawan sa Tauhan
  • Anong Tekstong Descriptibong Bahagi ng Iba Pang Teksto ay paglalarawan sa tauhan subalit sa halip sa kanyang panlabas na anyo o katangian ito nakapokus, ang binibigyang diin dito’y ang kanyang damdamin o emosyong taglay?
    Paglalarawan sa Damdamin o Emosyon
  • Ano-ano ang mga Paraan ng Paglalarawan sa Damdamin at Emosyon?
    Clue:
    P________ sa A______ na N__________ ng T_____
    P_______ ng D_______ o I______
    P________ sa G_____ ng T_____
    P_______ ng T______ o M_____________ P__________
    Pagsasaad sa Aktuwal na Nararanasan ng Tauhan
    Paggamit ng Diyalogo o Iniisip
    Pagsasaad sa Ginawa ng Tauhan
    Paggamit ng Tayutay o Matalinghagang Pananalita
  • Anong Paraan ng Paglalarawan sa Damdamin o Emosyon ang pangungusap na ito?
    "Matindi ang pagkirot ng tiyan ni Mang tonyo."

    Pagsasaad sa Aktuwal na Nararanasan ng Tauhan
  • Anong Paraan ng Paglalarawan sa Damdamin o Emosyon ang pangungusap na ito?
    "Sa halip na sabihing maiinis siya sa ginawa ng pagsingit sa pila ng babae ay maari itong gamitin ng sumusunod na diyalogo. “ate, sa likod po ang pila. Isang oras na kaming nakapila rito kaya dapat lang na sa hulihan kayo pumila."
    Paggamit ng Diyalogo o Iniisip
  • Anong Paraan ng Paglalarawan sa Damdamin o Emosyon ang pangungusap na ito?
    "“Umalis ka na!” ang mariing sabi ni Aling lena sa asawa habangh tiim bagaang na nakatingin sa malayo upang mapigil ang luhang kanina pa nagpupumulit bumalong mula sa kanyang mga mata."
    Pagsasaad sa Ginawa ng Tauhan
  • Anong Paraan ng Paglalarawan sa Damdamin o Emosyon ang pangungsap na ito?
    "Ito na marahil ang pinakamadilim na sandi sa kanilang buhay. Maging ang langit ay lumuha sa kalungkutang dulot ng pagyao ng pinakamamahal niyang si Berta."
    Paggamit ng Tayutay o Matalinghagang Pananalitan
  • Anong Paraan ng Paglalarawan sa Damdamin o Emosyon ay mailarawan nang tama ang lugar o panahon kung kalian at saan naganap ang akda sa paraang nakagaganyak sa mga mambabasa.
    • Ano ang itsura ng barong-barong at kapaligiran nito?
    • Ano-anong tunog ang maririnig sa paligid?
    • Anong amoy ang namamayani?
    • Ano ang pakiramdam sa lugar na ito?
    • Ano ang lasa ng mga pagkain dito?
    Paglalarawan sa Tagpuan
  • Anong Paraan ng Paglalarawan sa Damdamin o Emosyon ay mailahad kung saan nagmula ang bagay na ito. Kailangan ding mailarawan itong mabuti upang halos madama na ng mambabasa ang itsura, amoy, bigat, lasa, tunog at iba pang katangian nito?
    Paglalarawan sa Isang Mahalagang Bagay