AKADEMIKONG PAGSUSULAT

Cards (9)

  • Proseso ng Pagsulat:
    1. Pre-writing: Paghahanda sa pagsulat, pagpili ng paksang isusulat, pangangalap ng datos, pagpili ng tono at perspektibo
    2. Actual writing: Aktwal na pagsulat, pagsulat ng burador o draft
    3. Rewriting: Pag-eedit o pagrerebisa ng draft batay sa grammar, bokabulari, at lohika
  • Mga Uri ng Pagsulat:
    1. Akademiko: Kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento, term paper, tesis o disertasyon
    2. Teknikal: Espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa kognitibo at sikolohikal na pangangailangan
    3. Journalistic: Pampahayag na ginagawa ng mga mamamahayag o journalist
    4. Reperensyal: Nagrerekomenda ng iba pang reperens o sors hinggil sa isang paksa
  • Ang proseso ng pagsulat ay hindi linear, maaaring magpabalik-balik sa iba't ibang hakbang bago maprodyus ang pinal na awtput o sulatin
  • Kalikasan ng Akademikong Pagsulat (Fulwiler & Hayakawa, 2003):
    • Katotohanan: Mahusay na akademikong papel ay nagpapakita ng kaalaman at metodo ng disiplinang makatotohanan
    • Ebidensya: Iskolar gumagamit ng mapagkatiwalaang ebidensya upang suportahan ang kanilang inilahad
    • Balanse: Paglalahad ng haka, opinyon, at argumento na gumagamit ng wikang walang pagkiling, seryoso, di-emosyonal, at makatwiran
  • Akademikong pagsulat:
    • Nangangailangan ng mataas na antas ng kasanayang akademiko
    • Pangunahing layunin: Makapagbigay ng tamang impormasyon
    • Ginagawa hindi lamang sa mga akademikong institusyon o paaralan, kundi pati sa industriya o kompanya
    • Nakasalalay sa kritikal na pagbabasa, mahusay mangalap ng impormasyon, magsuri, mag-organisa ng ideya, at lohikal
    • Pormal na salita, walang mabubulaklak na pananalita, tamang pagbabantas at pagbabaybay
  • Mga Uri ng Pagsulat:
    • Reperensyal: Naglalayong magrekomenda ng iba pang reperens o sors hinggil sa isang paksa
    • Propesyunal: Nakatuon o eksklusibo sa isang tiyak na propesyon
    • Malikhain: Masining ang uri ng pagsulat, naglalayong paganahin ang imahinasyon at damdamin ng mga mambabasa
  • Layunin sa Pagsulat:
    • Impormatibo: Nagbibigay impormasyon at paliwanag
    • Mapanghikayat: Naglalayong makumbinsi ang mambabasa
    • Malikhaing: Akdang pampanitikang tulad ng maikling katha, nobela, tula, dula
  • Katangian ng Akademikong Pagsulat:
    1. Kompleks
    2. Pormal
    3. Tumpak
    4. Obhetibo
    5. Eksplisit
    6. Wasto
    7. Responsable
    8. Malinaw na layunin
    9. Malinaw na pananaw
    10. May pokus
    11. Lohikal na Oganisasyon
    12. Matibay na suporta
    13. Malinaw at Kumpletong Eksplanasyon
    14. Epektibong pananaliksik
    15. Iskolarling estilo sa pagsulat
  • Tungkulin o Gamit ng Akademikong Pagsulat:
    1. Lumilinang sa kahusayan sa wika
    2. Lumilinang ng mapanuring pag-iisip
    3. Lumilinang ng pagpapahalagang pantao
    4. Paghahanda sa propesyon