Ang puppet show o puppetry ay isang sining na panteatro na ang mga gumaganap sa entablado ay mga bagay na walang buhay na tinatawag nating puppet
Puppeteer- naman ang tawag sa taong nsa likod o may hawak ng isang puppet.
Puppeteer- naman ang tawag sa taong nsa likod o may hawak ng isang puppet.
Finger puppet-Ito ang itinuturing na pinakpayak na uri ng puppet sapagkat ito ay isinusuot lamang sa isang daliri
Sock puppet- Ito ay nalikha gamit ang medyas. Ginagamit ito sa pamamagitan ng pagsuot ng kamay ng puppeteer sa medyas kaya nagagawa niya itong mapakilos at mapasalita.
Hand puppet-Ito ay tinatawag ding glove puppet. Pinakikilos ito sa pamamagitan ng paglagay ng kamy ng puppeteer sa loob nito partikular sa bahagi ng ulo
Carnival puppet- Ito ay kalimitang isinusuot sa buong katawan ng puppeteer kung kaya tinatawag din itong body. puppet. Makikita ito sa mga parada at carnival
Blacklight puppet-Ito ay isang uri ng puppet kung saan higit na napapalutang ang ganda, partikular ang kulay at kilos nito dahil sa epektong nalilikha ng ilaw.
Marionette- Ito ay tinatawag ding string puppet na kalimitang nakalutang gamit ang mga tali na kinokontrol ng central rod na hawak ng puppeteer mula sa itaas.
NELSON MANDELA -Kauna-unahang Itim na Pangulo ng South Africa na naihalal noong 1994, • Napabagsak ang sistemang apertheid. Pamumuno ng isang pamahalaang racist o nag- uuri ng mga tao batay sa kanilang kulay.
JOHN CARLIN - Isang tanyag na manunulat at dating Bureau Chief ng London Independent sa South Africa. Nakita niya kung paano makitungo sa Nelson sa kaniyang mga impleyado. • Nakapanayam si Nelson Mandela isang buwan pagkatapos nitong manalo.
JESSIE DUARTE - A deputy Secretary- General na naging personal assistant ni Nelson Mandela. “Hindi niya pansin kung ang “matataas na tao ay masaktan o masagasaan sa kaniyang mga ginagawa o ipanaglalaban subalit ayaw niyang may “maliliit” na taong sumama ang loob o masaktan dahil sa kaniya."
JOHN SIMPSON - Isang mamamahayag at World Affairs Editor ng BBC News. -Nagtungo si Mandela sa dating paaralan ni Simpson sa Campbridge upang maging tagapagsalita
MATT DAMON -Isa sa mga artistang gumanap sa pelikula tungkol sa buhay ni Mandela, ang Invictus, "Isang kilalang artista sa Amerika ang halina ni Mandela hindi lang sa matatanda kundi maging sa mga bata."
RICK STENGEL - Si Rick Stengel ay nakasama ni Mandela nang halos dalawang taon habang sinusaulat niya ang talambuhay nitong "Long Walk to Freedom." "Pare, natakot ako sa nangyari sa itaas kanina!" - Mandela
ANG "MANDELA EFFECT" O TINATAWAG DIN NA FALSE MEMORY. ITO AY TUMUTUKOY SA ISANG SITWASYON KUNG SAAN ANG ISANG MALAKING MASA NG MGA TAO AY NANINIWALA NA ANG ISANG KAGANAPAN AY NAGANAP NGUNIT HINDI TALAGA.
Gramatikal -Ang komponent na nagbibigay-kakayahan sa nagsasalita upang epektibong makipagtalastasan gamit ang angkop na mga tuntuning pang-gramatika. Mahalagang batid niya ang tuntuning pang-gramatika dahil magagamit ang mga ito sa epektibong pagbuo ng salita, pangungusap, tamang pagbigkas, pagbaybay at maging sa pagbibigay kahulugan sa salita
Sosyo-lingguwistik- Ang komponent na nagbibigay-kakayahan sa nagsasalita upang magamit ang salitang naaangkop sa sitwasyon at sa kontekstong sosyal ng lugar kung saan ginagamit ang wika. Kailangang alam at magamit ang salitang angkop para sa hinihinging pagkakataon.
Diskorsal -Ang komponent na nagbibigay-kakayahang magamit ang wikang binibigkas at wikang ginagamit sa pagsulat sa makabuluhang paraan upang maipabatid ang mensahe at maunawaan din ang tinatanggap na mensahe. Dito binibigyan ng wastong interpretasyon ang salita, pangugusap o pahayag upang makabuo ng isang mas malawak at malalim na kahulugan.
Strategic- ang komponent na nagbibigay-kakayahang magamit ang berbal at hindi berbal na mga hudyat upang maihatidnang mas malinaw ang mensahe at maiwasan o maisaayos ang mgahindi pagkakaunawaan o mga puwang (gaps) sa komunikasyon.
Diyalogo- Ikaw at ang isa mong kapareha ay magpapalitan ng mga linya o magsasagutan upang mailahad ninyo ang nilalaman ng inyong mensahe
Monologo- Ikaw ay mag-isang maglalahad ng mga pangyayari habang nakikinig sa iyo ang iba mo pang ksamahang tauhan sa entablado,
Soliloquy- Ikaw ay mag-isang maglalahad ng iyong mensahe sa entablado nang walang ibang tauhang makaririnig maliban sa mga tagapanood
Tula- ay isang uri ng panitikang lubos na kinalulugdan ng marami. Manunulat ang naisulat nito kaya't maituturing na pagpapalawak ang larangang ito ng panitikan.
Komik istrip- Maaari mong piliin ang paraang ito upang mailhed ang iyong anekdota kung mahusay ka sa pagguhit at pagbuo ng komik istrip sa halip na pagtatanghal o pagsasalita nang masining sa entablado.
Tulang Liriko o Padamdamin - Itinatarpur sa tulang ito ang sariling damdamin at maging ang pagbubulay-bulay ng makata
Ang awit- Isang halimbawa nito ay ang Kundiman o awit tungkol sa pag-ibig na kalimitang ginagamit sa pagpapahayag ng pag-ibig ng mga binata sa sinusuyo nilang dalaga
Ang Pastoral (Dalitbukid) - Ang tunay na layunin nito ay maglarawan ng tunay na buhay sa bukid. Ang ganitong uri ng pamumuhay ang karaniwang kinagigiliwang paksa sa tulang liriko
Ang Oda (Dalitpuri)- Sa makabagong panulaan, ito ay isang uri ng tulang lirikong may kaisipan at estilong higit na dakila at marangal. Wala itong tiyak na bilang ng pantig o kaya'y tiyak na bilang ng mga taludtod sa isang taludturan.
Ang Dalit (Dalitsamba)- Ito ay isang maikling awit na pumupuri sa Diyos
Ang Soneto (Dalitwari)- Ito ay tulang may labing-apat na taludtod. Karaniwang ang unang walong taludtod ay nagpapahayag ng isang pangyayaring nagwawakas sa isang malubhang suliranin o sa pagtataka sa malalim na kahulugan ng buhay at kalikasan.
Ang Elehiya (Dalitlumbay) - Ang tulang ito ay may dalawang katangiang pagkakakilanlan. Una, ito ay isang tula ng pananangis, lalo na sa pag-alala sa isang yumao, ikalawa, ang himig nito ay matimpi at mapagmuni-muni
2. Tulang Pasalaysay - Ang tulang ito ay naglalahad ng mga tagpo o pangyayari sa pamamagitan ng mga taludtod.
Ang Epiko (Tulabunyi) - Ito ang pinakamatayog at pinakamarangal na uri ng mga tulang salaysay na ang mga pangyayari at kawilihan ay napipisan sapagbubunyi sa isang bayani sa isang alamat o kasaysayang naging matagumpay sa mga panganib at kagipitan.
Metrical Romance (Tulasinta) - Ito ay tulang pasalaysay na mahirap makilala ang kaibahan sa epiko
Rhymed or Metrical tale (Tulankanta)-Kapag ang tulang salaysay ay naging payak ito ay tinatawag na tulakanta.Ang pangunahing tauhan nito ay pangkaraniwang nilalang lamang
Ballad (Tulagunam)-Ito'y isang awit na isinasaliw sa sayaw subalit nang lumao'y nakilala ito bilang isang tulang kasaysayang nasusulat sa mga taludtod na wawaluhin o aaniming pantig at sa isang paraang payak at tapatan.
3. Tulang Dula- Ito ay tulang isinasadula sa mga entablado o iba pang tanghalan
Tulang Dulang Mag-isang Salaysay (Dramatic Monologue) - Isang tao lámang ang nagsasalita mula sa simula hanggang sa katapusan ng dula at hindi lamang para sa kanyang sarili kundi gayundin para sa mga kalagayan at himig at sa lahat ng mga natutukoy sa tula.
Tulang Dulang Liriko-Dramatiko-Taglay nito ang kawilihan sa mga kalagayan, kilos, at damdaming ipinahahayag sa pamamagitan ng mga salita ng taong kinauukulan.