Esp 3.1

Cards (20)

  • Ang pagmamahal sa kapuwa ang susi ng pagpapalalim ng tao ng kaniyang pagmamahal at pananampalataya sa Diyos
  • Sa pagmamahal, binubuo ang isang maganda at malalim na ugnayan sa taong iyong minamahal
  • Sa ugnayang ito, nagkakaroon ng pagkakataon ang dalawang tao na magkausap, magkita, at magkakilala
  • Sa paglalakbay ng buhay, kailangan ng tao ang MAKAKASAMA upang maging magaan ang kanyang paglalakbay
  • Una, kasama and kapuwa at ikalawa, kasama ang Diyos.
  • Dapat palaging tandaan na ang bawat isa ay may personal na misyon sa buhay
  • May magandang plano ang Diyos sa tao, nais niya na maranasan ng tao ang kahulugan at kabuluhan ng buhay, and mabuhay nang maligaya at maginhawa.
  • Ang tunay na diwa ng espiritwalidad ay ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapuwa at ang pagtugon sa tawag ng Diyos
  • Ang pananampalataya ay ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos
  • Ang pananampalataya ang siyang kapanatagan sa mga bagay na inaasam, ang kasiguruhan sa mga bagay na hindi nakikita. (Hebreo 11:1)
  • Wika nga ni Apostol Santiago sa Bagong Tipan, "Ang pananampalatayang walang kalakip na gawa ay patay" (Santiago 2:20).
  • Ang Pananampalatayang Kristiyanismo - Itinuturo ang buhay na halimbawa ng pagasa, pag-ibig, at paniniwalang ipinakita ni Hesukristo
    • Ang Diyos ay nasa ating lahat sa bawat pagkakataon ng ating buhay.
    • Tanggapin ang kaloob ng Diyos na may kaganapan at likas na pagsunod
    • Magmahalan at maging mapagpatawad sa bawat isa.
  • Ang Pananampalatayang Islam - Itinatag ni Mohammed, isang Arabo. Ang Koran ang Banal na Kasulatan ng mga Muslim.
    • Mahalaga ang limang haligi nito:
    1. Ang Shahadatain (Ang Pagpapahayag ng Tunay na Pagsamba)
    2. Ang Salah (Pagdarasal)
    3. Ang Sawm (Pag-aayuno)
    4. Ang Zakah (Itinakdang Taunang Kawanggawa)
    5. Ang Hajj (Pagdalaw sa Meca)
  • Ang Pananampalatayang Buddhismo - Pananampalataya na ang paghihirap ng tao ay nag-uugat sa kaniyang pagnanasa.
    • Ang pagnanasa ay nagbubunga ng kasakiman, matinding galit sa kapuwa, at iba pang labis na pagpapahalaga sa material na bagay
    • Nakatuon sa aral ni Sidhartha Gautama o ang Buddha, na isang dakilang mangangaral ang mga Buddhismo.
    • Apat na Katotohanan na Naliwanagan:
    1. Ang buhay ay dukha (Kahirapan, pagdurusa)
    2. Ang kahirapan ay bunga ng pagnanasa ('taha')
    3. Ang pagnanasa ay malulunasan
    4. Ang lunas ay nasa walong landas (8 Fold Path)
  • Ang Gintong Aral (Golden Rule): "Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo" ay ipinapahayag sa tatlong relihiyon na nabanggit
  • Upang mapangalagaan ang ugnayan ng tao sa Diyos, ilan sa mga dapat gawin ay:
    1. Panalangin
    2. Panahon ng Pananahimik o Pagninilay
    3. Pagsisimba o Pagsamba
    4. Pag-aaral ng Salita ng Diyos
    5. Pagmamahal sa Kapuwa
    6. Pagbabasa ng mga aklat tungkol sa espiritwalidad
  • Dalawang Pinakamahalagang Utos:
    • Ibigin mo ang Diyos nang buong isip, puso, at kaluluwa
    • Ibigin mo ang iyong kapuwa tulad ng iyong sarili
    Ang magmahal ang pinakamahalagang utos.
  • Juan 4:20, "Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot naman sa kaniyang kapatid ay isang sinungaling. Kung ang kapatid na kaniyang nakikita ay hindi niya magawang ibigin, paano niya maiibig ang Diyos na hindi niya nakikita?"
  • “Life is a journey, not a destination.” - Ralph Walson Emerson
  • Walong landas (8 Fold Path)
    • tamang pananaw
    • tamang intensiyon
    • tamang pananalita
    • tamang kilos
    • tamang kabuhayan
    • tamang pagsisikap
    • tamang kaisipan
    • tamang atensiyon