Ang teksto ay anumang uri ng sulatin na mababasa ninuman, Mahalaga ang mga teksto sa isang mananaliksik dahil ang mga ito ang nagiging batayan niya ng mga datos ng kanyang isusulat
Ang teksto ay isang materyal na pwedeng "basahin".
Ang pagbasa ay isang proseso ng pagkuha, pagkilala, at pag-unawa ng mga nakaimbak o nakasulat na impormasyon o datos.
Uri ng Teksto
Tekstong Impormatibo
Tekstong Deskriptibo
Tekstong Persuweysib
Tekstong Naratibo
Tekstong Argumentatibo
Tekstong Prosidyural
Ang TekstongImpormatibo ay isang uri ng teksto kung saan naglalayon itong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon, kadalasan nitong sinasagot ang mga batayang tanong na ano, kailan, saan, sino at paano.
Ang layunin ng Tekstong Impormatibo ay magpaliwanag sa mambabasa ng anomang paksa na matatagpuan sa tunay na daigdig.
Ang Tekstong Deskriptibo ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan, sitwasyon at iba pa.
Ang Tekstong Persuweysib ay isang uri ng di-piksyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu.
Ang Tekstong Naratibo ay nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari sa maaaring piksyon.
Ang TekstongArgumentatibo ay isang uri ng teksto na nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit ang mga ebidensya.
Ang Tekstong Prosidyural ay isang uri ng paglalahd na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksyon kung paanong isasagawa ang tiyak na bagay.
5 Makrong Kasanayan
Pakikinig
Pagsasalita
Pagbabasa
Pagsusulat
Panonood
Ang Pananaliksik ay paraan ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga partikular na katanungan ng tao tungkol sa kanyang lipunan o kapaligiran.
Mga Elemento ng Tekstong Impormatibo
Layuninngmay-akda
Pangunahingideya
Pantulongnakaisipan
Mgaestilosapagsulat
Mahahalagang bahagi ng paggamit ng estilo :
Paggamit ng nakalarawang representasyon
Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto
Pagsulat ng mga talasanggunian
Uri Ng Tekstong Impormatibo :
Paglalahad ng totoongpangyayari.
Pag-uulatpangimpormasyon"
Pagpapaliwanag
Limang pandama ng tao :
Pang-amoy
Panlasa
Paningin
Pandinig
Pansalat
Karaniwan ay isang paglalarawan kung nagbibigay ng impormasyon ayon sa pangkalahatang pagtingin o pangmalas.
Masining ay isang paglalarawan ng nagpapahayag ng buhay na larawan batay sa damdamin at pangmalas ng may-akda.
4 na Mahalagang Kasangkapang Ginagamit sa malinaw na Paglalarawan :
Wika
Detayle
Pananaw
Impresyon
Kohesiyong Gramatikal :
Reperensiya
Substitusyon
Elipsis
Pang-ugnay
Kohesyong Leksikal
Ang reperensiya ay tinatawag ding pagpapatungkol, ito ay ang paggamit ng mga salitang maaring tumukoy ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap.
Ang Panghalip ay mga salitang ipinapalit sa simuno upang maiwasan ang pag-ulit nito.
ang Anapora ay nauuna ang paksa.
ang Katapora ay sulyap na pasulong, nauuna ang panghalip.
ang Subsitusyon ay ang pagpapalit sa mga bagong salita. Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita.
ang Elipsis ay tinatawag ding pagtitipid sa pagpapahayag, may binabawas sa bahagi ng pangungusap.
Uri ng Reiterasyon
Repetisyon
Pag-iisa-isa
Pagbibigay-kahulugan
Ang pag-iisa-isa ay ang pagbibigay ng mga kaugnay na salita para ilarawan ang paksang pinaguusapan.
Ang Kolokasyon ay ang mga salita na ginamit na kadalasang may kapareha o may kaugnay sa isa't isa.
Dalawang uri ng tekstong persuweysib :
Commercial
Non-commercial
Ang commercial ay iyong ginagamit ng mga kompanya upang i-promote ang kanilang mga produkto katulad ng advertisement.
Ang noncommercial naman ay iyong higit na pormal na panghikayat tulad ng mga manipesto, editoryal, mga adbokasiya at iba pang kauri nito.