panpag

Cards (24)

  • Ang tekstong prosidyural ay isang espesyal na uri ng tekstong impormatibo na naglalahad ng serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang matamo ang inaasahan
  • Ikalawang Panauhan (Second person):
    • Ginagamit ang mga panghalip na ikaw, ka, mo, iyo, ninyo sa tuwirang pag-uusap sa mambabasa, lalo na sa mga pautos o imperative mood
  • Ikatlong Panauhan (Third person):
    • Ang nagsasalaysay o nagkukwento ay hindi bahagi o tauhan sa istorya kaya gumagamit ng panghalip na siya
  • Mga Pamamaraan ng Panghihikayat:
    • Ethos, Pathos, Logos
    • Ethos: kredibilidad ng manunulat
    • Pathos: gamit ng emosyon o damdamin
    • Logos: gamit ng lohika
  • Tekstong Persuweysib:
    • Gumagamit ng iba't ibang impormasyon at katotohanan upang suportahan ang opinyon
    • Ibig sabihin kinakailangan gumamit ng pagpapatunay mula sa mga pag-aaral at pagsusuri
  • Mga Paalala sa Pagsulat ng Borador ng Tekstong Persuweysib:
    1. Isipin ang nais na paksa
    2. Bumuo ng panimula na makukuha ang atensyon ng mambabasa
    3. Bumuo ng mga talata para sa iba pang punto/ideya
    4. Lagumin o bigyan ng kongklusyon ang mambabasa
  • Tekstong Argumentatibo:
    • Nagtatanggol ng manunulat ukol sa isang paksa/usapin na pinagtatalunan
    • Gumagamit ng ebidensya mula sa mga pansariling karanasan, kasaysayan, pag-aaral
  • Mga Paalala sa Pagsulat ng Borador ng Tekstong Argumentatibo:
    1. Isipin ang nais na paksa
    2. Bumuo ng panimula na ipaliliwanag ang isyu o paksang tatalakayin
    3. Bumuo ng mga talata bilang katawan ng pagtalakay na sumasagot kung bakit ito ang paniniwalaan
    4. Lagumin o bigyan ng kongklusyon ang iyong panig para sa argumento
  • Ang tekstong deskriptibo ay tulad sa isang larawang ipininta o iginuhit, kung saan ang mga salita ang ginagamit ng manunulat upang mailarawan ang bawat tauhan, tagpuan, pangyayari/sitwasyon, kilos/galaw, o anumang bagay nang vividly
  • Sa tekstong ito, ang mga pang-uri at pang-abay ay ginagamit upang bigyang-buhay ang bawat tauhan, tagpuan, pangyayari/sitwasyon, kilos/galaw, o anumang bagay na nais ilarawan
  • Subhetibo
    Ito ay paglalarawan na nakabatay lamang sa imahinasyon ng manunulat.
  • Obhetibo
    Ito ay paglalarawan na nakabatay sa katotohanan
  • Dalawang Uri ng Tekstong Deskriptibo
    •SUBHETIBO
    •OBHETIBO
  • MGA KOHESYONG GRAMATIKAL SA PAGSULAT NG TEKSTONG DESKRIPTIBO
    •ANAPORA
    •KATAPORA
  • ANAPORA
    Kapag ang pangalan ay binabanggit bago ang panghalip
  • KATAPORA
    Kapag ang panghalip ay binabanggit sa unahan upang maging pananda ng pangalang nasa hulihang bahagi ng pangungusap.
  • Ayon kay Ethridge (2004), sa kaniyang Research Methodoloy, matatawag na DESKRIPTIBO ang pamamaraan ng pananaliksik kung ang mga mananaliksik ay nagsasagawa ng SARBEY, PANAYAM, STANDARDIZED TEST at PAPEL NG OBSERBASYON (para sa pagganap o performance) na nagpapaliwanag sa naging pakahulugan ng mga datos na nakalap.
  • NARATIBO
    Layunin ng tekstong naratibo na MAGSALAYSAY o MAGKUWENTO – tiyak na pangyayari TOTOO man o HINDI. Maaaring ang salaysay ang personal (mo/niya) na karanasan, tunay na pangyayari o kathang-isip. Ito ay naglalahad ng magkakasunod-sunod na pangyayari, o simpleng nagsasalaysay. Ito ay tumutugon sa tanong na PAANO at KAILAN.
  • MGA ELEMENTO NG KUWENTO
    •TAUHAN
    •TAGPUAN
    •BANGHAY
    •TUNGGALIAN
    •PUNTO DE VISTA
    •IRONYA
    •TEMA
  • ✓UNANG PANAUHAN (First person) – ang bida mismo ang nagsasalaysay sa kwento kaya gumagamit ng panghalip na ko, ako, akin, namin, kami, natin at iba pa. Gayundin, niya, kaniya, nila at kanila upang mailarawan at matukoy ang tauhan.
  • ✓IKALAWANG PANAUHAN (Second person) – ginagamit sa pananaw na ito ang mga panghalip na ikaw, ka, mo, iyo, ninyo at iba pa bilang tuwirang pagkausap sa mambabasa lalo na sa mga pautos o imperative mood.
  • ✓IKATLONG PANAUHAN (Third person) – Ang nagsasalaysay o nagkukwento rito ay HINDI bahagi o tauhan sa istorya kaya ito ay gumagamit ng panghalip na siya.
  • DALAWANG ELEMENTO NG TEKSTONG ARGUMENTATIBO
    PROPOSISYON – pahayag na inilalahad upang pag-ugatan ng PAGTATALUNAN/PAG- UUSAPAN (paksa).
    ARGUMENTO – paglalatag ng mga DAHILAN at EBIDENSYA.
  • Impormatibo (Para sa iyong kaalaman) Prosidyural (Alamin ang Hakbang) Deskriptibo (Makulay na Paglalarawan) Naratibo (Mahusay na Pagkukwento) Persuweysib (Paano kita Mahihikayat) Argumentatibo (Ipaglaban ang Katwiran)