Ayon kay Arrogante (1983) talaan ng buhay ang panitikan sapagkat nasisiswalat ng tao sa pamamagitan ng malikhaing pamamaraan ang kanyang makulay na buhay.
Ayon kay Salazar (1995) ang panitikan ay siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan.
Ayon kay Webster (1947) ang panitikan ay katipunan ng mga akdang nasusulat na makikita sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag.
2 uri ng Panitikan batay sa: PAGSASALIN at ANYO
2 uri ng Pagsasalin: Pasalin-dila at Pasulat
2 uri ng Anyo: Tuluyan/Prosa at Patula
Ang Pasalin-dila ay Naisalin sa ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng tao.
Ang pasulat ay paraan ng pagsasalin ng panitikan magmula nang matutunan ng tao ang sistema ng pagsulat.
Ang Tuluyan/Prosa ay karaniwang nasusulat sa karaniwangtakbongpangungusap o patalatang anyo.
Nobela ay isang mahabangsalaysayin na kinasasangkutan ng maraming tauhan at nahahati sa mga kabanata.
Maikling Kwento ay mahalagang pangyayari na kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan.
Ang dula ay isinusulat at pagkatapos ay itinatanghal sa entablado.
Ang Alamat ay ang pinagmulan ng mga bagay-bagay.
Ang Pabula ay salaysayin na kinasasangkutan ng mga hayop, halaman, o maging mga bagay.
Ang Parabula ay mga salaysayin na hinango sa Banal na aklat.
Ang Anekdota ay salaysayin na may layunin na magbigay ng aliw at aral.
Ang Sanaysay ay nagbibigay ng kuro-kuro o opinyon.
Ang Talambuhay ay nagpapahayag ng kasaysayan ng buhay ng isang tao.
Ang Balita ay nagpapahayag ng mga araw-araw na pangyayari.
Ang Talumpati ay ibinibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
Ang Patula ay nasusulat sa taludturan at saknungan.
Ang Pasalaysay ay kwento ng mga pangyayari na may sukat at tugma.
Ang Epiko ay hinggil sa kabayanihan, katapangan, at pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan.
Ang Awit ay nasusulat sa lalabindalawahin na pantig sa taludtod.
Ang Korido ay nasusulat sa wawaluhin na pantig.
Ang pandamdamin o liriko ay tumatalakay sa marubdob na damdamin ng may akda.
Ang Soneto ay may labing-apat na taludtod.
Ang Oda ay tulang nagpapahayag ng paghanga o papuri sa isang bagay.
Ang Dalit ay tulang may patungkol sa Diyos at mahal na birhen.
Ang Awiting-Bayan ay tulang binibigkas ng may himig.
Ang Pastoral ay tulang tumatalakay sa kabuhayan sa kabukiran.
Ang Elehiya ay tulang nagpapahayag ng panimdim sa pagyao ng mahal sa buhay.
Ang Padula/Dramatiko ay isinasadula sa enteblado o tanghalan.