Hindi gaanong alintana ang pagkatatag ng mga daungang pangkalakalan sa India sapagkat ang ginagawa lamang diumano ng mga barkong pangkalakalan ng mga Muslim ay iwasan ang mga nagpapatrolyang mga Portuguese na kakaunti lamang naman. Hindi rin alintana sa China kung mapasakamay ng mga barbarong Europeo ang kalakalang pandagat sapagkat ayon sa pananaw ng Imperyal na pamahalaang Tsino, pare-pareho lamang ang mga Muslim, mga Hapon, at ang mga Europeo bilang mga barbaro.