PAGBASA MIDTERM

Cards (39)

  • TEKSTONG IMPORMATIBO
    • tekstong nagbibigay o nagtataglay ng tiyak na impormasyon tungkol sa isang tao, bagay, lugar, o pangyayari
  • OBHETIBO
    • naglalahad ito ng tiyak na katotohanan o kaalaman nang walang pagkiling.
  • TUWIRAN
    • ang impormasyon ay mula sa orihinal na pinagmulan nito o batay sa kaalaman ng nagpapahayag o may-akda.
  • HINDI TUWIRAN
    • ang impormasyon ay mula sa kuwento ng ibang tao na naipasa na lamang sa iba.
  • HALIMBAWA NG TEKSTONG IMPORMATIBO
    BALITA
    PATALASTAS
    ANUNSIYO
    MEMORANDUM
  • PAKSA
    • Mababasa sa headline o pamagat ng teksto.
  • HEADLINE
    • nagsisilbing pamagat ng isang tekstong impormatibo
  • PANGUNAHING IDEYA
    • naglalaman ng mahahalagang detalye ng tekstong impormatibo.
  • SUMUSUPORTANG IDEYA
    • naglalaman ng mga dagdag na detalyeng may kinalaman sa pangunahing ideya.
  • DI-PAMILYAR NA SALITA
    • salitang hindi kaagad nauunawaan ang kahulugan dahil hindi ito karaniwang ginagamit.
  • CONTEXT CLUES
    • salita o parirala na may kaugnayan sa sinusundan o sumusunod ditong salita. Kilala rin ito bilang pahiwatig o palatandaan.
  • DIKSIYONARYO
    • aklat na naglalaman ng tamang bigkas nito, kung anong bahagi ng pananalita ito, kung paano ito gagamitin sa pangungusap, at ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng salita.
  • COHESIVE DEVICE
    • salita o katagang nagsisilbing pananda upang hindi paulit-ulit ang paggamit ng mga pangngalan sa pangungusap
  • ANAPORA
    • inuuna ang pagbanggit ng pangngalan
  • KATAPORA
    • inuuna ang pagbanggit ng panghalip.
  • TEKSTONG DESKRIPTIBO
    • tekstong naglalarawan. Ito ay naglalahad ng mga katangian ng tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari
  • HALIMBAWA NG TEKSTONG DESKRIPTIBO
    TRAVEL GUIDE
    RESTAURANT GUIDE
    ALBUM REVIEW
    PERFUME REVIEW
    MOVIE O THEATER REVIEW
  • DESKRIPSYONG TEKNIKAL
    • naglalarawan ng detalyadong pamamaraan.
  • DESKRIPSYONG IMPRESYONISTIKO
    • ayon sa personal na pananaw o saloobin
  • KARANIWANG PAGLALARAWAN
    • ang isang tao, bagay, lugar, o pangyayari ay inilalarawan ayon sa nakikita ng mga mata.
  • MASINING NA PAGLALARAWAN
    • ginagamit ang damdamin at pananaw ng taong  naglalarawan.
  • TEKSTONG PERSUWEYSIB
    tekstong nanghihikayat sa mambabasa na maniwala sa tao, bagay, lugar, pangyayari, o aksyong inilalahad nito.
  • MGA HALIMBAWA NG TEKSTONG PERSUWEYSIB
    • patalastas
    • talumpati sa pangangampanya
    • poster
    • article
  • ETHOS
    • “karakter” o “personalidad.” ginagamit ang impluwensiya at kredibilidad ng isang kilalang tao para makahikayat ng tao na tangkilikin ang produkto, serbisyo, o paniniwala.
  • PATHOS
    • “nararamdaman.” nanghihikayat sa pamamagitan ng pag-apila sa damdamin o emosyon ng mga tao.
  • LOGO
    • “sinabi ko.” gumagamit ng katunayan, ebidensiya, estadistika, makasaysayang tala, opisyal na dokumento, sipi sa pananaliksik, at panayam upang patunayan ang katotohanan at bigat ng katuwiran
  • TEKSTONG NARATIBO
    • tekstong nagsasalaysay tungkol sa isang tao, bagay, lugar, o pangyayari. Karaniwan itong nagbibigay-aliw.
  • MAKATOTOHANAN (NONFICTION)
    • naglalahad ng totoong kuwento tungkol sa isang tao, bagay, lugar, o pangyayari.
  • HINDI MAKATOTOHANAN (FICTION)
    • kuwento tungkol sa isang tao, bagay, lugar, o pangyayari na pawang kathang-isip lamang o bunga ng mayamang imahinasyon
  • PAKSA
    • bagay o ideyang pinag-uusapan sa teksto
  • BANGHAY
    • daloy o ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
  • PANAHON AT TAGPUAN
    • oras at lugar na pinangyayarihan ng kuwento, 
  • TAUHAN
    • aktor o gumaganap sa kuwento.
  • TUNGGALIAN
    • umiiral na tunggalian, isyu, o suliranin na nagiging balakid sa daloy ng kuwento.
  • MGA SANGKAP NG TEKSTONG NARATIBO
    • magandang pamagat
    • mahalagang paksa
    • kawili-wiling simula
    • maayos na pagkakasunod-sunod
    • kawili-wiling wakas
  • TEKSTONG ARGYUMENTATIBO
    • hikayatin ang mambabasa na sumang-ayon sa kaniyang pananaw o opinyon.
  • HALIMBAWA NG TEKSTONG ARGYUMENTATIBO
    • editoryal at komentaryo
  • TEKSTONG PROSIDYURAL
    • proseso o pamamaraan upang maisagawa, matapos, o makamit ang isang inaasahang bagay, gawain, o pangyayari.
  • MGA HALIMBAWA NG TEKSTONG PROSIDYURAL
    RECIPE
    USER MANUAL O GUIDE
    TOUR ITINERARY
    INSTRUCTION