Tekstong Impormatibo

Cards (9)

  • Tekstong Impormatibo
    •  Isang uri ng babasahing di piksyon. Naglalayong makapglahad ng mga impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba‘t ibang paksa.
  • Elemento ng Tekstong Impormatibo
    • Layunin ng may-akda
    • Pangunahing Ideya
    • Pantulong na Kaisipan
    • Mga Estilo sa Pagsulat
  • Mga Uri ng Tekstong Impormatibo
    Paglalahad ng Totoong Pangyayari
    • Dito isinisiwalat ang mga pangyayaring maaaring naganap sa isang panahon o pagkakataon. Maaaring ang impormasyon ay direktang nasaksihan o mula sa katotohanang nasaksihan at pinatunayan ng mga dalubhasa sa isang partikular na langan, tulad ng mga pangyayaring pangkasaysayan o historical account.
  • Mga Uri ng Tekstong Impormatibo
    Pag-uulat Pang-impormasyon
    • Sa uri ng tekstong ito, dito inilalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon patungkol sa mga pangyayari sa paligid, tao, hayop at iba pang mga bagay.
  • Mga Uri ng Tekstong Impormatibo
    Pagpapaliwanag
    • Ang uri ng tekstong ito ay pagbibigay paliwang kung paano o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari.
  • Elemento ng Tekstong Impormatibo
    Layunin ng may-akda
    • Layunin o pamamaraan ng may akda: magbigay ng kaunawaan sa mga pangyayaring mahirap maipaliwanag; matutuhan ang maraming bagay ukol sa ating mundo; mailahad ang bawat yugto ng isang buhay at iba pa.
  • Elemento ng Tekstong Impormatibo
    Pangunahing Ideya
    • (Subtopics) Sa tekstong impormatibo ay dagliang inilalahad ang pangunahing ideya ng may-akda sa pamamagitan ng paglalagay ng mga pamagat sabawat bahagi ng impormasyon na tinatawag din itong organizational markers, upang makatulong na makita ang agarang pangunahing ideya na nais malaman ng mambabasa.
  • Elemento ng Tekstong Impormatibo
    Pantulong na Kaisipan
    • Mahalaga ang paglalagay ng angkop na pantulong na kaisipan dahil dito ipinoproseso na mabuo sa isip ang nais niyang maiwan o maitatak sa kaisipan ng mambabasa. Ang pantulong nakaisipan ay ang nilalaman ng pangunahing ideya.
  • Mga Estilo sa Pagsulat
    • Paggamit ng mga nakalarawang representasyon
    • Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto
    • Pagsulat ng Talasanggunian