4-1

Cards (15)

  • PAMBANSANG KAUNLARAN
    Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng bansa na pagbutihin ang pangkalahatang aspeto ng pamumuhay ng mga mamamayan.
  • DEVELOPED COUNTRIES
    Ito ay ang mga bansang may maunlad na ekonomiva at mataas ang standard of living kung saan ang pangangailangan sa serbisyong panlipunan ay higit na nakakamit ng maraming mamamayan.
  • DEVELOPING COUNTRIES
    Ito ang mga bansang masigla ang ekonomiya ngunit marami sa kanilang mamamayan ang nakararanas ng kahirapan.
  • LEAST DEVELOPING COUNTRIES
    Ito ang mga bansang mabagal ang pag-unlad ng kanilang ekonomiya at may mababang antas ng pamumuhay.
  • HUMAN DEVELOPMENT INDEX
    Ito ay isang ulat-estadistika na tumutukoy kung bumubuti ang kalidad ng buhay ng mga mamamayan ng isang bansa.
  • LIFE EXPECTANCY
    Ito ang edad na kung saan kalimitang itinatagal ng isang mamamayan.
  • MORTALITY RATE
    Ito ang bilang ng mga taong namamatay sa partikular na populasyon.
  • MEAN YEARS OF SCHOOLING
    Ito ang bilang ng taon na ginugugol sa paaralan ng
    mga taong may edad 25 pababa.
  • LITERACY RATE
    Ito ang bahagdan ng mga nakababasa at nakasusulat.
  • GROSS NATIONAL INCOME PER CAPITA
    Ito ang estimasyong kita na tinatanggap ng tao kapag hinati ang GNI ng bansa sa kabuuang populasyon nito.
  • PAGLAKI NG POPULASYON
    Bagama't nagmumula rito ang lakas-paggawa at demand ng mamimili na kailangan ng ekonomiya, maituturing na kapag malaki ang populasyon, malaki rin ang pangangailangan na dapat tugunan.
  • KAKULANGAN SA LAKAS-PAGGAWA
    Mabagal ang pag-unlad ng isang ekonomiya kung kulang ang manggagawa dahil maaring kaunti lamang ang maprodyus na produkto at serbisyo kung kaya't kailangan mag-angkat mula sa ibang bansa.
  • MALING PAGGAMIT NG RESORSES
    Ang mga produkto't serbisyo ay kailanman hindi magiging libre dahil may isang tao na magbabayad nito at dahil sa hoarding nasasakripisyo ang demand ng ibang konsumer para dito.
  • KAKULANGAN NG LIKAS NA YAMAN
    Ang pagkasira at unti-unting pagkaubos ng mga pinagkukunang-yaman ay magiging hadlang sa paglago ng isang bansa sapagkat dito nanggagaling ang mga hilaw na materyales na kakailanganin sa pagbuo ng produkto at serbisyo.
  • BANTA SA SEGURIDAD
    Ang paglaganap ng epidemya, kalamidad, kaguluhan, digmaan at pagtaas ng krimen ay maapektuhan nito ang kalagayang panlipunan at pang- ekonomiya ng mga mamamayan.