Ang Tekstong Impormatibo (Tekstong Ekspositori) ay nagbibigay ng impormasyong nakabatay sa katotohanan, di-piksyon, at sumasagot sa mga tanong na ano, sino, saan, kailan, at paano
May 6 na Uri ng Tekstong Impormatibo:
Pagbibigay-KatuturanoDepenisyon
EnumerasyonoPag-iisa
PaghahambingatPagkokontrast
Sikwensyal-Kronolohikal
ProblemaatSolusyon
SanhiatBunga
May 4 na Elemento ng Tekstong Impormatibo:
Layunin ng May-akda
Pangunahing ideya at pantulong na kaisipan
Pantulong na Kaisipan
Estilo sa pagsulat kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay o impormasyon
Pagbibigay Katuturan o Depenisyon:
Uri ng tekstong impormatibo na maipaliwanang ang kahulugan ng isang salita, termino, o konsepto
EnumerasyonoPag-iisa:
Uri ng tekstong impormatibo na nagbibigay ng talaan o listahan ng mga ideya, katotohanan, o detalye tungkol sa pangunahing ideya
PaghahambingatPagkokontrast:
Uri ng tekstong impormatibo na nagbibigay-diin sa pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa o higit pang ideya
Sikwensyal-Kronolohikal:
Uri ng tekstong impormatibo na ipakita ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga idea o konsepto
ProblemaatSolusyon:
Uri ng tekstong impormatibo na nagpapahayag ng isang problema at nagtatala ng isa o mahigit pang solusyon sa problema
SanhiatBunga:
Uri ng tekstong impormatibo na naglalahad ng ugnayan ng mga pangyayari
Layunin ng May-akda:
Ang layunin ay mapapansing kaugnay ito lagi ng pagbibigay o paglalahad ng impormasyon
Pangunahing ideya at pantulong na kaisipan:
Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi, tinatawag din itong educational markers na nakatutulong upang agad makita at malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin
Pantulong na Kaisipan:
Mahalaga ang paglalagay ng mga angkop na pantulong kaisipan o mga detalye upang makatulong na makabuo sa isipan ng mga mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o maiwan sa kanila
Estilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay o impormasyon:
Makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng malawak na pag-unawa sa binasang teksto
MGA KONSEPTONG DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG TEKSTONG IMPORMATIBO
Ang tekstong impormatibo ay naglalayong maglahad ng mga tiyak na impomasyon at mahahalagang detalye na may lohikal na paghahanay
Isang tiyak na paksa lamang ang tinatalakay nito. Kung magkakaroon ng kaugnay na paksa dapat na makita ito sa kasunod na talata.
Sa pagbasa ng tekstong impormatibo magkaroon ng pokus sa mga impormasyong ipinapahayag. Isulat ito kung kinakailangan.
MGA KONSEPTONG DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG TEKSTONG IMPORMATIBO
Sa pagsulat ng tekstong impormatibo tandaang ihanay nang maayos ang mga salita, piliing mabuti ang mga tiyak at mahahalagang salita lamang.
Gumagamit ang tekstong impormatibo ng mga teksto mula sa mga respetado at mapapanaligang sanggunian kaya kaugnay sa intellectualpropertyrights nararapat na banggitin ang may-akda nito.