Hindi nakabatay sa sariling opinyon kundi sa katotohanan at mga datos kaya’t hindi nito masasalamin ang kanyang pagpabor o pagkontra sa paksa.
3 uri ng tekstong impormatibo
Paglalahad ng Totoong Pangyayari
Pag-uulat Pang-impormasyon
Pagpapaliwanag
Paglalahad ng Totoong Pangyayari
Sa uring ito ng teksto inilalahad ang mga totoong pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon. Maaaring personal na nasaksihan ng manunulat (balita) o hindi direktang nasaksihan (sulating pangkasaysayan).
Pag-uulat pang impormasyon
Sa uring ito nakalahadang mahalagang kaalaman o impormasyon patungkol sa tao, hayop, at iba pang bagay na nabubuhay at di nabubuhay, gayundin sa pangyayari sa paligid. (teknolohiya, global warming, cyberbullying, atbp.)
Pagpapaliwanag
Nagbibigay ng paliwanag kung paano at bakit naganap ang isang pangyayari.
Layunin ng may akda
Magkakaiba ang layunin ng mga may akda sa pagsulat ng tekstong impormatibo. Maaaring magpalawak ng kaalaman, magpaliwanag, magsaliksik, maglahad bg yugto ng buhay
Pangunahing Ideya
Dagliang inilalahad ang pangunahing ideya sa tekstong impormatibo di gaya sa tekstong naratibo. Ginagamit ang organizational markers na nakatutulong upang Makita agad at malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin.
Pantulong na Kaisipan
Mga detalyeng nakatutulong upang mabuo ang isang teksto.
Mga estilo sa pagsulat
Paggamit ng mga nakalarawang representasyon
Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto
Pagsulat ng mga talasanggunian
Elemnto ng Tekstong Impormatibo
Layunin ng may akda
Pangunahing ideya
Pantulong na kaisipan
Mga Estilo sa Pagsulat
Paggamit ng mga nakalarawang representasyon
Ang larawang guhit, dayagram, tsart, talahanayan, timeline, at iba pa ay makatutulong upang mas lumawak o mapalalim ang pag-unawa ng mambabasa sa tekstong impormatibo.
Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto
Mapapansin sa estilong ito ang mga nakasulat nang nakalihis, nakadiin, nakasalungguhit, o paglalagay ng panipi upang higit na makita o mapansin ng mambabasa ang binibigyang diin sa binabasa.
Pagsulat ng Talasanggunian
Taglay ng estilong ito ang paglalahd ng mga sangguniang kinuhaan ng impormasyon upang magbigay-diin sa katotohanang naging basehan sa mga impormasyong taglay nito.
Mga Estilo sa Pagsulat
Makatutulong ang estilo sa pagsulat sapagkat dito mas binibigyang linaw ang mga impormasyong inilalahad sa pamamagitan ng mga sumusunod: