Ito ay mula sa salitang Griyego na “elegia”, nangangahulugang pagtangis. Nagsimula ito sa Griyego na malawak ang pinapaksa gaya ng kamatayan, digmaan at pagibig subalit naging ispesipiko lamang ito nang ito ay napunta sa Ingles. Karaniwang ito ay tungkol sa mga yumao at malulungkot na pangyayari.