Pagsusuri sa kaanyuanggramatikal, panandang diskurso, at iba pang detalye sa estruktura upang maunawaan ang literal na kahulugan, implikasyon, at retorikal na ugnayan ng isang akda
Gumagamit ng estratehiyang "zoom lens" o malapitan at malalimang pagbasa sa isang akda
Detalyadong pagsusuri ng isang teksto sa pamamagitan ng pagbibigay ng gabay ng isang guro kung paano ito susuriin
Tinatawag ding "narrow reading" sapagkat piling babasahin lamang hinggil sa isang paksa ang pinagtutuunan ng pansin ng mambabasa o kaya ay iba't iba ngunit magkakaugnay na paksa ng iisang manunulat
Kinapapalooban ng malalimangpagsusuri sa pagkakaugnay, estruktura, at uri ng diskurso sa loob ng teksto, pagtukoy sa mahahalagang bokabularyong ginamit ng manunulat
Isinasagawa upang makakuha ng pangkalahatangpag-unawa sa maramihang bilang ng teksto
Nagaganap kapag ang isang mambabasa ay nagbabasa ng maramihang babasahin na ayon sa kaniyang interes, mga babasahing kadalasang hindi kahingian sa loob ng klase o itinakda sa anumang asignatura
Layunin ng mambabasa rito ay makuha ang "gist" o pinaka-esensya at kahulugan ng binasa na hindi pinagtutuunan ng pansin ang mga salitang malabo o hindi alam ang kahulugan
Layunin ng ekstensibong pagbasa na maunawaan ang pangkalahatang ideya ng teksto at hindi ang espisipikong detalye na nakapaloob dito
Skimming: Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang ispesipikongimpormasyon na itinakda bago bumasa
Scanning: Mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuangteksto, kung paano inorganisa ang mga ideya at kung ano ang pananaw at layunin ng manunulat
Primarya: Pinakamababangantas ng pagbasa, kinapapalooban lamang ng pagtukoy sa tiyak na datos at ispesipikongimpormasyon gaya ng petsa, lugar, mga tauhan sa isang teksto
Mapagsiyasat: Nauunawaan na ng mambabasa ang kabuuangteksto at nakapagbibigay ng mga hinuha o impresyon tungkol dito
Ang Katotohanan ay mga pahayag na maaaring mapatunayan o mapasubalian sa pamamagitan ng empirical na karanasan, pananaliksik, o pangkalahatang kaalaman o impormasyon
Ang opinyon naman ay pahayag na nagpapakita ng preperensiya o ideya batay sa personal na paniniwala at iniisip ng isang tao
Ang paraphrase ay tumutukoy sa pagpapahayag ng ideya ng may-akda sa ibang pamamaraan at pananalita upang padaliin at palinawin ito
Ang abstrak ay isang buod ng pananaliksik, tesis o tala ng isang komprehensiya o anumang pag-aaral sa isang tiyak na disiplina o larangan
Ang rebyu naman ay isang uri ng pampanitikang kritisismo na ang layunin ay suriin ang isang aklat batay sa nilalaman, estilo, at anyo ng pagkakasulat nito