Ito ang ginagamit upang mabigyang halaga ng mas malinaw at maayos na daloy ng mga kaisipan sa isang teksto. Ang mga teksto ay hindi lang binubuo ng magkakahiwalay na pangungusap, parirala, o sugnay, bagkus ang mga ito ay binubuo ng magkakaugnay na kaisipan na kinakailangan ang mga salitang magbibigay kohesyon.