Artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala at nararamdaman
Ipinahahayag sa paraang pasulat, limbag at elektroniko (sa kompyuter)
Roger, 2005:
Masistemang gamit ng grapikong marka na kumakatawan ng espesipikong pahayag
Fischer, 2001:
Komunikasyon ang isa sa pangunahing layunin ng pagsulat
Goody, 1987:
Ang pagsulat ay pundasyon ng isang sibilisasyon
Daniels and Bright, 1996:
Sistema ng permanente at malapermanenteng pananda na kumakatawan sa pahayag
Dalawang yugto ng pagsulat: Pangkognetibo
Proseso ng Pagsulat
Pangkognitibo:
Nagkakaroon ng mga artikulasyon ang mga ideya
Proseso ng Pagsulat:
Nagkakaroon ng hulma at tiyak na hugis ang mga ideya
3 Paraan at Ayos ng Pagsulat:
Sulat-kamay
Limbag
Elektroniko
Depinisyon:
Pagbibigay katuturan sa mga konsepto o termino
Enumerasyon:
Pag-uuri o pagpapangkat-pangkat ng isang uri o klasipikasyon
Pagsusunod-sunod:
Kronolohiya ng mga pangyayari o proseso
Pagtatambing o Paghahambing o Pag-iiba:
Pagtatanghal ng pagkakatulad at pagkakaiba ng mga tao, lugar, pangyayari, konsepto at iba pa
Sanhi at Bunga:
Paglalahad ng mga dahilan ng pangyayari o bagay at ang kaugnayan ng epekto nito
Problema at Solusyon:
Paglalahad ng mga suliranin at pagbibigay ng mga posibleng lunas nito
Kalakasan at Kahinaan:
Paglalahad ng positibo at negatibong katangian ng isa o higit pang bagay, sitwasyon at pangyayari
pagsulat ng akademikong sulatin isinasagawa sa isang akademikong institusyon kung saan kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat.
Pormal
Ginagamitan ng mga impormal o balbal na pananalita
Obhetibo
Ang layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagbasa at pagsulat sa iba't ibang disiplina o larang
May Paninindigan
Kailangang may paninindigan sapagkat ang nilalaman nito ay pag-aaral o mahalagang impormasyon na dapat idinudulog at dinepensahan, ipinalillwanag at binibigyang-katwiran ang mahahalagang layunin, at inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral
May pananagutan
Mahalagang matutuhan ang pagkilala sa mga sangguniang pinaghanguan ng mga impormasyon
May kalinawan
Ang sulating akademiko ay may paninindigang sinusundan upang patunguhan kung kaya dapat na maging malinaw ang pagsulat ng mga impormasyon at ang pagpapahayag sa pagsulat ay direktibo at sistematiko
Akademikong pagsulat
Isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panliipuunan. May katangian itong pormal, obhetibo, may paninindigan, may pananagutan, at may kalinawan.
Wika
Nagsisilbing behikulo para maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ipabatid ng taong nais sumulat
Pamaraang Naratibo
Ang pangunahing layunin nito ay magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod.
Pagsusulat
Isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring pasalin-salin sa bawat panahon. Maaaring mawawala ang alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang kanyang ibinahagi ay mananatiling kaalaman.
Paksa
Pagkakaroon ng isang tiyak at maganda na tema ng isusulat ay isang magandang simula dahil dito iikot ang buong sulatin.
Paraang Ekspresibo
Ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling opinyon, paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman hingil sa isang tiyak na paksa.
Layunin
Magsisilbing gabay sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng isusulat.
Pamaraang Argumentatibo
Naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa. Madalas ito ay naglalahad ng mga isyu ng argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan.
Pamaraang Deskriptibo
Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakikita, naririnig, natunghayan, naranasan at nasaksihan.
Paraang Impormatibo
Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng bagong impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa.
Kasanayang Pampag-iisip
Kakayahang maganalisa upang masuri ang mga datos na mahalaga o hindi na impormasyon na ilalapat sa pagsulat
Kaalaman sa Wastong Pamamaraan ng Pagsulat
Pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular sa wastong paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng batas, pagbuo ng talata, at masining at obhetibong paghabi ng mga kasipan upang makabuo ng isang mahusay na sulatin
Kasanayan sa Paghahabi ng Buong Sulatin
Kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon mula sa panimula hanggang sa wakas na maayos, organisado, obhetibo, at masining na pamamaraan ang isang komposisyon
Malikhaing Pagsulat
Pangunahing layunin nito ay mahatid ng aliw, makapukaw ng damdamin, at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa
Teknikal na Pagsulat
Layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan lutasin ang isang problema o suliranin
Propesyonal na Pagsulat
Kaugnay sa mga sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa paaralan lalo na sa pagawa ng mga sulatin o pag-aaral tungkol sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao
Dyornalistik na Pagsulat
Tungkol sa sulating may kaugnayan sa pamamahayag
Reperensiyal na Pagsulat
Mabigyang pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng koseptong papel, tesis, at disertasyon