pagbasa

Cards (22)

  • Ang pagbabasa ay isang ugaling nililinang at itinatanim sa isip ng tao mula pagkabata, upang makamihasnan niya ito at ituring na bahagi ng buhay
  • Ang pagbabasa ay isa sa makrong kasanayan sa komunikasyon, kasama ang pakikinig, pagsasalita, at pagsusulat
  • May tatlong pangkalahatang modelo ang pagbabasa: Bottom-up, Top-down, at Interactive
  • Eskema: Tinatawag na estruktura ng mga simbolo, imahen, karanasan, at kahulugan na nakaimbak sa isip
  • Bottom-up: Nauunang kilalanin ng nagbabasa ang mga letra, sumunod ang mga ponetikong katangian, salita, grupo ng mga salita, hanggang sa kahulugan ng mga pangungusap at pahayag
  • Top-down: Nagsisimula ang mambabasa sa alam na niya, na ginagamit niya at ihinahambing sa tekstong binabasa niya
  • Interactive: Iminumungkahi naman ng modelong interactive na parehong gamitin ng mga mambabasa ang mga prosesong top-down at bottom-up
  • Uri ng pagbabasa: Skimming, Scanning, Kaswal, Komprehensibo, Kritikal
  • Kasama rin sa mga teknik sa pagbabasa ang pamuling-basa (rereading) at basang-tala (notetaking)
  • Uri ng pagbabasa:
    • Skimming
    • Scanning
    • Kaswal
    • Komprehensibo
    • Kritikal
  • Mga teknik sa pagbabasa:
    • Pamuling-basa (rereading)
    • Basang-tala (notetaking)
    • Pagbabalangkas (outlining)
  • Mga antas ng pagbabasa:
    I. Batayan Nakikilala ang magkakahiwalay na salita sa pahina
    II. Inspeksiyonal - Skimming o panimulang pagbabasa
    III. Analitikal - Sinusuyod ang buong aklat para ganap na maunawaan ang binabasa
    IV. Sintopikal - Komparatibong pagbabasa ng maraming teksto tungkol sa parehong paksa
  • Kasanayan sa pagsulat ay kakambal sa kasanayan sa pagbasa
  • Ang teksto ay hindi lamang isang hanay ng mga pangungusap, ito ay isang semantikong yunit
  • Lima pangunahing uri ng cohesive devices:
    • Ellipsis at substitution
    • Conjunction (pang-ugnay)
    • Lexical Cohesion (reiterasyon, kolokasyon)
  • Kalinawan (clarity) - Malinaw at tiyak ang mga salita at pangungusap na ginamit sa pagpapaliwanag at pagbibigay ng halimbawa.
    Bisâ (effectiveness) - Epektibong naaabot ng mga kalahok ang mga pakahulugan at
    layunin ng isa't isa (Canary at Cody 2000).
    / Kaugnayan (coherence) - May lohikal na daloy at diwa ang ugnayan ng mga salita at
    pangungusap.
    Kaisahan (cohesion) - Lahat ng mga bahagi ng isang teksto-ang mga salita at pangungusap-ay magkakaugnay at umiikot sa iisang paksa o pangkalahatang idea.
  • Mga Uri ng Pagbasa:
    • Skimming
    • Scanning
    • Kaswal
    • Komprehensibo
  • Ang skimming at scanning ay mabilis na paraan ng pagbabasa
  • Skimming:
    • Layunin: makuha ang pangunahing paksa ng bawat talata, malaman ang pangkalahatang kaisipan ng teksto, at magkaroon ng pahapyaw na kaalaman tungkol sa teksto sa maiksing oras
  • Scanning:
    • Layunin: hanapin ang partikular na salita, datos, at iba pang detalye sa maikling panahon
  • Kaswal na Pagbasa:
    • Tinatawag din itong ekstensibong pagbabasa
    • Ginagawa ito upang magpalipas ng oras
  • Komprehensibong Pagbasa:
    • Tinatawag din itong intensibong pagbabasa
    • Layunin: ibuod ang mga ideya upang makuha ang pampanitikan o lingguwistikong kahulugan ng teksto
    • Gumagamit ng pagsusuri at sintesis
    • Tinitimbang ang nilalaman at katwiran ng binabasa
    • Bumubuo ng mga kritikal na argumento ang nagbabasa at gumagawa ng paghatol sa binasa