KARAPTANG PANTAO

Cards (5)

  • KARAPATANG LIKAS - Ang karapatang ito ay likas at wagas po sa lahat. Halimbawa po nito Ay ang mabuhay ng puspos; ang magkaroon ng sariling pangalan, identidad o pagkakakilanlan at dignidad, at ang paunlarin ang ibat ibang aspekto ng pagiging tao gaya ng pisikal, mental at espiritwal.
  • Karapatan ayon sa batas- Ito ay binubuo ng personal na karapatan at karapatan ng mga grupo ng indibidwal o kolektibong karapatan na pinoprotektahan ng pamahalaan at institusyong panlipunan.
  • Constitutional Rights - ito ang mga karapatang kaloob na pinangangalagaan at binibigyan ng proteksiyon ng Konstitusyon ng bansa. Statutory Rights - ito ang mga karapatang kaloob ng mga batas na pinagtibay ng kongreso o tagabatas. Halimbawa po nito ay ang karapatang tumanggap nang hindi bababa sa itinakdang sahod o minimum wage, karapatang magmana ng mga pag-aari, at karapatang makapag-aral ng libre..
  • Karapatang panlipunan - Nakapaloob dito ang karapatang magkaroon ng matiwasay at tahimik na pamumuhay, kalayaan sa pagsasalita, pag-iisip, pagtitipon, pagpili ng lugar na titirhan, karapatan laban sa diskriminasyon, maging malaya sa buhay at sa paglalakbay.
  • Karapatang pampolitika -Kinakatawan nito ang karapatang makilahok sa pagtatakda at pagdedesisyon sa pamumuno at proseso ng pamamahala sa bansa gaya ng pagboto, pagkandidato sa election, pagwewelga bilang bahagi ng pagrereklamo sa gobyerno, at pagiging kasapi ng kahit anumang partidong politikal.