Batas ng Wikang Pambansa at Wikang Opisya

Cards (6)

  • Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Saligang Batas 1987
    Ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat na payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.
  • Artikulo III, Seksyon 3 ng Saligang Batas 1935
    Hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Espanyol ay patuloy na opisyal na mga wika.
  • Artikulo V, Seksyon 3 ng Saligang Batas 1973
    Hangang walang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Pilipino ay magpapatuloy na mga opisyal na wika
  • Artikulo IV, Seksyon 7 ng Saligang Batas 1987
    Ukol sa layunin ng mga komunikasyon at pagtuturo, ang mga opisyal na wika ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles
  • Artikulo IV, Seksyon 6 ng Saligang Batas 1987
    Alinsunod ng mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon
  • Revised education program 1957
    Ang mga katutubong wika (unang wika ng mga estudyante) ang gagamiting wikang panturo ng iba’t ibang asignatura sa Baitang 1 at 2.

    Ituturo ang Ingles bilang hiwalay na asignatura simula Baitang 3.

    Gagamiting pantulong na wikang panturo ang mga katutubong wika sa Baitang 3 at 4.

    Gagamiting pantulong na wikang panturo ang wikang pambansa sa Baitang 5 at 6.