Kahulugan ng panitikan: Ayon kay Arrogante, ito ay talaan ng buhay ang panitikan sapagkat dito nasisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na kanyang kinabibilangan at pinapangarap
Ayon kay Salazar, ang panitikan ay siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan
Ayon kay Santiago et. al., maituturing na isang instrumento ng paghubog ng kultura ng isang partikular na lipunan kung saan mahuhubog rin ang pagkatao ng isang mamamayan. Marahil, ito rin ang dahilan kung bakit sinasabing matalik na magkaugnay ang panitikan at kasaysayan.
Ayon sa Webster, ang panitikan ang katipunan ng akdang nasusulat na makilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag, aestetikong anyo, pandaigdigang kaisipan at kawalang-maliw
Lipunan - isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na binabahagi ang naiibang kultura at/o mga institusyon.
tungkulin ng panitikan: Ang mga layunin nito'y naaayon sa bawat panahon na ang akda ay isinulat.
Layunin nilang pukawin at ikintal sa isip ng mga Pilipino ang mga digmang pang-lglesia Katolika
...upang pukawin ang pansin ng babasa sa isang nobelang nangahas na ilarawan ang ating lipunan sa isang panahong dumanas ito ng mga pagbabagong hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa ring nagaganap
Pana-panahon ay may lumalabas na mga akdang pumapaksa sa mga problemang kinakaharap ng lipunan. Dahil dito, ang nararapat na maisulat na panitikan ay yaong sumasagot sa pangangailangan ng kasalukuyan
kinakailangang realistiko ang tula, kwento o nobela na naglalayong maging instrumento sa pagpapabago ng kamalayan ng nakararaming mga tao
Uri - pagkakaiba sa kalikasan at klasipikasyon Anyo - pagkakaiba sa itsura o porma, baryasyon ng parehong uri
katha - akda mula sa imahinasyon ng manunulat
di katha - akdang batay sa tunay na pangyayari
batay sa moda - pasalin-dila , pasulat , pasalintroniko
tuluyan - nagpapahayag ng kaisipan na isinusulat ng patalata
Maikling Kuwento - Ito'y isang salaysay na ginagalawan ng isa o ilang tauhan, may isang pangyayari at kakintalan
Dula - Isa itong anyo ng akdang panliteratura na binibigyangbuhay sa pamamagitan ng karaniwang pagtatanghal sa entablado. Nagsimula ang dula bago pa man dumating ang mga Kastila mula sa mga anyo ng ritwal, sayaw at awit
Sanaysay - Pagpapahayag ito ng kurukuro o opinyon ng may-akda tungkol sa isang suliranin o pangyayari. Ito'y isang paglalahad at may dalawang uri: maanyo o pormal (nangangailangan ng masusing pag-aaral at pananaliksik tungkol sa paksang isusulat) at malaya o impormal
Nobela - Isang mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata. Ang mga pangyayari rito'y hango sa tunay na pangyayari sa buhay ng tao, sumasaklaw ng mahabng panahon at ginagalawan ng maraming tauhan.
Alamat - Karaniwang hindi batid kung sino ang may-akda o sumulat nito. Ito'y nagpasalin-salin sa bibig ng ating mga ninuno upang maihatid sa mga tao sa kasalukuyang panahon. Dahil matagal na itong nangyari at hindi na uso noon ang pasulat na paraan sa pagpapalaganap ng literatura, karaniwang hindi nagkakaroon ng isang tiyak na pangyayari sa nabuong salaysay hinggil sa nilalaman ng isang alamat. Bunga nito, nagkakaroon ng iba't ibang bersyon ang isang alamat
Anekdota - Ito'y batay sa mga totoong pangyayari na ang layunin ay magbigay ng aral
Pabula - Tungkol sa mga hayop ang karaniwang paksa nito. Layon nitong gisingin ang interes ng mga bata at makapagbigay-aral sa mga mambabasa.
Parabula - Ito'y salaysaying hango sa Bibliya. Layon din nitong makapagbigay-aral
Balita - Isang paglalahad sa mga pangyayaring nagaganap sa lipunan sa araw-araw, tungkol sa pamahalaan at sa lahat ng isyung maaaring makaapekto sa indibidwal o sa nakararaming mga tao sa isang komunidad o bansa
Talumpati - Karaniwang ito'y binibigkas sa harap ng mga tao. Layunin nitong humikayat, magpaliwanag at magbigay ng opinyon ukol sa isang pangyayari o paksa.
Talambuhay - Nahahati ito sa pansarili o pang-iba. Ito'y tala ng kasaysayan sa buhay ng isang tao
patula - nagpapahayag ng damdaming isinusulat ng pasaknong
Tulang Pasalaysay - pumapaksa sa mahahalagang tagpo o pangyayari sa buhay, ng kagitingan at kabayanihan ng tauhan
Awit at korido - pumapaksa sa mga pakikipagsapalaran at karaniwang ginagalawan ng mga tauhang prinsipe at prinsesa (ang halimbawa ng awit ay Florante at Laura at ang korido naman ay Ibong Adama)
epiko - tungkol pa rin sa kabayanihan at pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan at ang mga pangyayaring nakapaloob dito ay kagila-gilalas at hindi kapani-paniwala
Tulang Liriko o Pandamdamin - Tumatalakay sa mga paksang nauukol sa damdamin ng tao
elehiya - ito'y awit na punumpuno ng damdamin patungkol sa isang namatay o namayapa na.
dalit - isang awit na pumupuri sa Diyos
soneto - isang awit na may hatid na aral
awit - pumapaksa sa iba't ibang uri ng damdamin gaya ng pag-ibig, kalungkutan, kasiyahan at iba pa.
oda - may himig ng pamumuri at naghahatid ng damdaming nagbibigay-kasiglahan.
Tulang Pandulaan o Pantanghalan - Karaniwang itinatanghal sa dulaan o entablado
melodrama - ang sangkap ng uring ito ng dula ay malungkot ngunit nagtatapos nang masaya para sa pangunahing tauhan
komedya - karaniwang nagtatapos ito nang masaya, may tunggalian ang mga tauhan sa umpisa subalit ito'y nalulunasan kung kaya masaya ang wakas ng dula