Sa mga bansang gumagamit ng wikang ingles, karaniwang tinatawag na Gay ang isang homoseksuwal. Sa Pilipinas, Bakla naman ang karaniwang tawag hindi lamang sa mga homoseksuwal ngunit pati nadin sa mga biseksuwal o silahis, transeksuwal, mga kilos babae, at minsan ay pati sa mga lalaking malamya kumilos.