Anekdota

Cards (17)

  • Anekdota
    Ito ay kuwento ng isang nakawiwili at nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang tao.
    Isang maikling akda na ang layon ay makapagpabatid ng isang Magandang karanasan na kapupulutan ng aral.
  • Mga katangian ng anekdota
    May isang paksang tinatalakay.
    Ito ay nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa kaisipang nais nitong ihatid sa mga mambabasa.
  • Mullah Nassreddin
    Mula sa Persia/Iran
    Siya ay dalubhasang pilosopo at tagapayo ng mga hari sa kanilang lugar. Dakilang guro sa pagpapatawa. Kung saan siya magpunta ay naroon ang tawanan.
  • Pagsasalaysay
    Mula sa salitang ugat na salaysay o kuwento Layunin nito ang maipahayag o magkuwento ng mga pangyayari. Ito ay isang anyo ng pagkukuwento tungkol sa sariling karanasan o tungkol sa karanasan ng ibang tao.
  • Mga batayan
    Sariling karanasan Narinig o Napakinggan Nabasa o Napanood Panaginip o Pangarap Likhang isip
  • Maikling kwento
    Ito ay isang anyo ng panitikan na naglalayong magsalaysay na isang mahalaga at nangingibabaw na pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga
    mambabasa.
  • Epiko
    Tulang nagsasalaysay ng mga pangyayari.
  • Dulang Pandulaan
    Nagpapakita ng galaw at kilos ng mga pangyayari sa tanghalan.
  • Nobela
    Binubuo ng mga kabanata at hitik na hitik sa mga pangyayari. Hindi ito tulad ng kwento na maaaring matapos basahin sa loob ng isang oras o isang araw.
  • Anekdota
    Ito'y salaysay na ibinigay sa tunay na naganap sa buhay ng isang tao. Maaaring nakatutuwa nakalulungkot.
  • Talambuhay
    Ang kuwento ng buhay ng isang tao.
  • Kasaysayan
    Ang historikal na kuwento ng isang mahalagang pangyayari.
  • Alamat
    Uri ng panitikan na isinasalaysay ang pinagmulan ng mga bagay-bagay. Maaaring ito ay lugar, katauhan, pangalan, bagay, pangyayari at iba pa.
  • Jornal

    Salaysay ng karaniwang nagaganap sa buhay, mga naobserbahan sa pali- paligid, naobserbahan sa kapwa at sa iba pa. Maikli lamang ito, paktwal at di pinapasukan ng sariling opinyon, haka-haka o kuro- kuro.
  • Gramatikal
    Tumutukoy sa wastong baybay at bigkas ng mga salita, gayundin ang paggamit ng wastong balarila sa pangungusap. Bahagi rin nito ang pagpili ng mga angkop na salitang gagamitin sa pagpapahayag.
  • Diskorsal
    Tumutukoy sa kakayahang magamit ang wikang binibigkas at sinusulat sa pagpapahayag ng ideya na mauunawaan ng tagatanggap ng mensahe; pagbibigay ng wastong pakahulugan sa mga salita/pangungusap.
  • Strategic
    Tumutukoy sa kakayahang magamit ang berbal at hindi berbal na uri ng komunikasyon sa paghahatid ng mensahe.