Ang KARAPATANG PANTAO mula Pagkabata Hanggang Kamatayan:
Tiyak, di-mahihiwalay, buo, at di-maitatangging mga karapatan ang tao na mananatili sa kanya hanggang sa kanyang libingan
Mabuhay ng Malaya:
Pagiging buhay
Manatiling Buhay
Uri ng Karapatan:
Karapatang Likas o Natural: ang bawat tao ay may karapatang mabuhay, likas at wagas sa lahat
Halimbawa ng likas na karapatan: mabuhay ang puspus, magkaroon ng sariling pangalan, identidad o pagkakakilanlan, at dignidad, at paunlarin ang iba’t-ibang aspekto ng pagiging tao gaya ng pisikal, mental, at espiritual
Karapatang Ayon sa Batas:
Constitutional Rights: mga karapatang kaloob at pinangangalagaan o binibigyang proteksyon ng Konstitusyon ng bansa
Statutory Rights: mga karapatang kaloob ng mga batas na pinagtibay ng Kongreso o Tagapagbatas
Kategorya ng Karapatang Ayon sa Batas:
Personal na karapatan
Karapatan ng mga grupo ng indibidwal o kolektibong karapatan na pinoprotektahan ng pamahalaan at institusyong panlipunan
Karapatang Sibil o Panlipunan (Civil Liberties/Rights):
Karapatang magkaroon ng matiwasay at tahimik na pamumuhay, kalayaan sa pagsasalita, pag-iisip, pag-oorganisa, pamamahayag, malayang pagtitipon, pagpili ng lugar na tinitirhan, at karapatan laban sa diskriminasyon
Kabilang dito ang karapatang maging malaya at makapaglakbay
Freedom of Speech
Freedom of Religion
Freedom of Press
Freedom of Assembly
Freedom to Travel
Property Ownership
Karapatang Pampolitika:
Kinakatawan ang karapatan na makilahok sa pagtatakda at pagdedesisyon sa pamumuno at proseso ng pamamahala sa bansa
Kasama rito ang pagboto, pagiging kandidato sa eleksiyon, pagwewelga bilang bahagi ng pagrereklamo sa gobyerno, at pagiging kasapi ng anumang partidong politikal
Karapatang Pang-ekonomiya o Pangkabuhayan:
Karapatan sa pagpili, pagpupursige, at pagsusulong ng kabuhayan, negosyo, hanapbuhay, at disenteng pamumuhay
Karapatan ng pagkakaroon ng ari-arian
Karapatan na maging mayaman
Karapatan sa paggamit ng yaman at ari-arian sa anumang nais basta't ito ay naaayon sa batas
Mga Karapatan ng Akusado/Nasasakdal (Rights of the Accused):
Pinangangalagaan ang mga taong akusado o nasasakdal sa anumang paglabag ng batas
Legal na Batayan ng mga Karapatan:
Konstitusyon ng Pilipinas - ang sandigan at saligang batas ng ating bansa
Article III ng Konstitusyon ay tungkol sa Bill of Rights o katipunan ng mga karapatan kung saan nakapaloob ang karapatang pantao na dapat ay tinatamasa ng bawat mamamayan
Ang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao (Universal Declaration of Human Rights o UDHR):
Ang Pilipinas ay kasapi ng United Nations, kaya ang mga patakaran at batas nito ay batas din ng ating bansa
UDHR ay nilagdaan noong Disyembre 10, 1948, at ang Pilipinas ay lumagda dito, kaya't obligado ang bansa na ipatupad ang pagiging malaya at pagkakapantay-pantay ng bawat tao at pagbabawal sa diskriminasyon
Karapatan ng Kababaihan sa Lipunang Pilipino:
Halos kalahati ng populasyon ay binubuo ng kababaihan
Ang mga karapatan at tungkulin ng kababaihan ay tulad din sa karaniwang mamamayang Pilipino, kasama ang karapatang makaboto at manatiling mamamayan ng Pilipinas
Karapatan ng Kababaihan sa Lipunang Pilipino:
Halos kalahati ng populasyon ay binubuo ng kababaihan
Karapatan at tungkulin ng kababaihan tulad ng karaniwang mamamayang Pilipino
Ilan sa mga karapatan ng kababaihan:
1. Karapatang makaboto
2. Karapatang manatiling mamamayan ng Pilipinas kahit nakapag-asawa ng dayuhan
3. Karapatang magtrabaho
4. Karapatang makapag-aral
5. Karapatang magplano ng pamilya
6. Karapatang pangalagaanang mga anak
Republic Act 9710: The Magna Carta of Women:
Nagtatakda ng iba pang karapatan ng kababaihan
Sec. 8: Human Rights of Women - lahat ng karapatan sa Konstitusyon at sa mga internasyonal na kasunduan na nilagdaan at na-ratipika ng Pilipinas
Sec. 9: Proteksyon mula sa Karahasan - ang Estado ay dapat tiyakin na protektado ang lahat ng kababaihan mula sa lahat ng anyo ng karahasan ayon sa mga umiiral na batas
Pangangalaga sa mga Indigenous People:
Iba't ibang pangkat ng mamamayan sa bansa
Bawat pangkat may sariling katangian pisikal, pananalita, pag-uugali, at tradisyon
Indigenous People: grupo ng mga tao o homogenous societies na kinikilala sa pamamagitan ng self-ascription at ascription ng iba
National Commission on Indigenous People:
Batas Republika 8371 - pagpatupad sa Artikulo II, Seksiyon 22 ng Saligang Batas
Layunin: Igalang at mapanatili ang mga paniniwala, kaugalian, tradisyon, at institusyon ng mga pangkat-etniko
Pagkakaiba ng KARAPATAN at PRIBILEHIYO:
Karapatan: angking laya na kaloob sa atin ng Diyos at iba't ibang batas upang maligayaang ating pamumuhay
Pribilehiyo: espesyal na konsiderasyon o advantage na kaloob sa isang tao o grupo
Mga Paglabag sa Karapatang Pantao:
Lahat ng tao may karapatangmabuhay nang malaya at may dignidad
Pagpatay, karahasan, at pang-aabuso ay paglabag sa karapatan ng taong mabuhay nang malaya, payapa, at walang pangamba
Mga uri ng pisikal na paglabag:
Pagdukot
Kidnapping
Hazing
Mutilation
Pagkitil ng buhay
Pagkulong ng mahigit 24 oras nang walang anumang sakdal
Rape
Panghihipo
Pagsamantala
Domestic Violence
Torture
Police Brutality
Extrajudicial at extralegal killing
Mga uri ng sikolohikal at emosyonal na paglabag:
Sigawan
Pagbibitaw
Mga uri ng pisikal na paglabag:
Pagdukot
Kidnapping
Hazing
Mutilation
Pagkitil ng buhay
Pagkulong ng mahigit 24 oras nang walang anumang sakdal
Rape
Panghihipo
Pagsamantala
Domestic Violence
Torture
Police Brutality
Extrajudicial at extralegal killing
Mga uri ng sikolohikal at emosyonal na paglabag:
Sigawan, pagbibitaw ng masasakit na salita
Panlalait
Pang-aalipusta
Bullying
Cyberbullying
Pananakot upang mapilit na gumawa ng isang bagay na labag sa kanyang kagustuhan
Pamimilit
Mga uri ng estruktural o sistemikong paglabag:
Hindi naaabot ng mga serbisyo ng pamahalaan ang mga mahihirap na naninirahan sa mga lalawigan na mahirap marating
Preferential treatment
Sino ang lumalabag sa Karapatang Pantao:
1. Mga magulang at nakakatanda
2. Mga kamag-anak, kaibigan, at ibang tao sa paligid
3. Mga kawani, opisyal, at pinuno
4. Mga kriminal
5. Mga terorista at mga samahan laban sa bansa
Pangangalaga sa mga Karapatan:
Makipagtulungan sa pagpapatupad ng mga batas para sa pangangalaga ng mga Karapatan
Ang Karapatan ay dapat din nating igalang at ipagsanggalang
Ang karapatan ng iba ay apat din nating galang at ipagsanggangalang
Kung ikaw o ang batang tulad mo o iba pang tao ay naabuso, madari nating ipagbigay-alam ito sa mga taong makatutulong sa atin gaya ng Bantay Bata 163 o sa Komisyong Pantao, o sa Women and Child Protection Section ng bawat presinto ng pulis