Pagpag

Subdecks (3)

Cards (127)

  • Mula naman kay Kenneth Goodman sa Journal of the Reading Specialist (1967), ang pagbasa ay isang psycholinguistic guessing game, sapagkat ito ay nagdudulot ng interaksyon sa pagitan ng wika at pag-iisipan: ang kakayahang manghula, bumuo ng hinuha o prediksyon kaugnay ng tekstong binabasa.
  • Ayon kay Coady (1979) "Upang lubusang maintindihan ang teksto, kailangang maiugnay ng tagabasa ang dating alam sa kanyang kakayahang bumuo ng mga konsepto/kasanayan/kaisipan mula sa mga maiprossesong impormasyon sa binasa"
  • Ayon kay G. James Lee Valentine (2000): "Ang pagbasa ay ang pinakapagkain ng ating utak."
  • Ang pagbasa ay ang pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag (simbolo) na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita
  • William Morris, Editor-in-Chief ng The American Heritage at awtor ng Your Heritage Dictionary of Words, ay nagsabi na ang pagbasa ay ang pagkilala sa kahulugan ng mga nakasulat na mga salita
  • Webster’s Dictionary: ang pagbasa ay isang kilos o gawa ng isang taong bumabasa ng aklat, sulatin, at iba pa, na nagreresulta sa pag-unawa sa kahulugan ng mga nasusulat
  • Ayon kay Silvey, ang pagbasa ay binibigyan mo ng kahulugan at pagkilala ang mga kaalamang nakalimbag batay sa pagkakasulat ng may-akda. Sa pamamagitan ng pag-justify ay kanyang kaalaman at tinatanggap mo sa paraan ng pang-unawa at sa dating kaalaman
    • Literacy Awareness kaalamang ang wikang binabasa ay may kahulugan, may sariling paraan ng pagsulat at may sariling paraan ng pagbasa; kaalaman din ito ukol sa mga tiyak na bahaging dapat mabasa upang ganap na mauunawaan ang teksto. 
  • Decoding Skills
    kakayahang makilala ang mga titik na gamit sa wikang binabasa at maiangkop sa tunog (ponolohiya, intonasyon) ng wikang ito upang maibigay ang tiyak na kahulugan ng salita.
  • Language Factors:
    • Kaalaman sa Ponolohiya: makilala ang ponolohiya ng wikang gamit sa teksto, kabilang ang palapantigan at palabigkasan ng wika
    • Kaalaman sa Salita: makilala ang mga tiyak na salitang gamit sa wika na maaaring taglay o ikinaiba ng ibang wika subalit nagtataglay ng ibang kahulugan, sa pagsulat o pasalita mang paraan
    • Istruktura ng Diskurso: kung paano binubuo ang mga pahayag sa isang wika, pati na ang kanilang intonasyon
    • Tuntuning Pampalaugnayan: paraan ng pag-uugnay ng mga salita, pangungusap o talata ng isang wika
  • Cognitive Factors:
    1. Kaalaman sa mga bagay at pangyayari sa paligid - kaalamang makilala ang mga inilalarawan at isinasalaysay sa akda batay sa aktuwal na kaganapan sa paligid
    2. Kakayahang Pagpapanatili ng Atensyon - kaalamang mapapanatili ang atensyon sa tekstong binabasa nang mahabang panahon
    3. Kakayahang sa Pag-oorganisa - kaalamang maorganisa o maiayos ang mga datos ng tekstong binabasa batay sa hinihingi ng pangyayari
  • Cognitive Factors:
    4. Pag-alala - kaalamang magtanda ng impormasyon at muling mabalikan ang mga impormasyong ito kung kakailanganin
    5. Kakayahang Magpaliwanag - kaalamang makapagpaliwanag batay sa kahulugan ng tektong babasahin at makapag-uri ng datos na mahalaga, totoo, at balido
  • Kahalagahan ng Pagbasa
    Ang pangunahing layunin nito ay upang maunawaan ang mga impormasyon at ideyang nasa kapaligiran o sa teksto o akda. Mawawalan ng saysay at kahulugan ang pagbasa kung walang pang-unawa.
  • Kahalagahan ng Pagbasa
    1. Nadadagdagan ang kaalaman
    2. Napapayaman ang kaalaman at napapalawak ang talasalitaan
    3. Nakakarating sa mga pook na hindi pa narating
    4. Nahuhubog ang kaisipan at paninindigan
    5. Nakakukuha ng mga mahahalagang impormasyon
    6. Nakatutulong sa mabibigat na suliranin at damdamin 
    7. Nagbibigay ng inspirasyon sa nakikita na iba’t ibang antas ng buhay
  • Mga Maaaring Dahilan ng Pagbabasa ng Tao:
    1. upang malibang
    2. upang matuto
    3. upang makapaghanapbuhay
    4. upang maging batayan ng wasto at makatarungang desisyon
    5. upang matukoy ang tiyak na direksyon
    6. upang mapanatili ang ugnayan ng pamilya at kaibigan
    7. upang maunawaan ang lipunang ginagalawan at mundong kinabibilangan
  • Katangian ng Pagbasa (Villamin 1998)
    1. Isang prosesong malamlam ngunit komplikado na nagsasankot sa pandama, pang-unawa, kakayahang magsagawa at katotohanan, ng mambabasa ang pagbabasa.
    2. Ginintuang susi sa kaalaman at kasiyahan ang pagbabasa
    3. Maaaring magibg pinakaubod ng kaligayahan ng isang tao ang pagbabasa
    4. Aktibong usapan sa pagitan ng manunulat at mambabasa ang pagbabasa
    5. Daan ng pagmumuni-muni ng tao sa kanyang mundo, at sa mundo ng hindi pa nababatid ang pagbabasa
  • Mga Proseso ng Pagbasa
    1. Persepsyon - ito ay pagkilala at pagtukoy sa mga nakalmbag na simbolo at kakayahan sa pagbigkas ng mga tunog
    2. Komprehensyon - ito ay pag-unawa sa mga nakalimbag na simbolo o salita
    3. Reaksyon - ito ay kaalaman sa pagpasiya o paghatol ng kawastuhan, kahusayan, pagpapahalaga at pagdama sa teksto
    4. Integrasyon - ito ay kaalaman sa pagsasanib o pag-uugnay at paggamit ng mambabasa sa kanyang dati at mga bagong karanasan sa tunay na buhay.
  • Mga Antas ng Pagbasa:
    • Primaryang Antas (Elementary): pinakamababang antas ng pagbasa, kinapapalooban ng pagtukoy sa tiyak na datos at ispesipikong impormasyon
    • Mapagsiyasat na Antas (Inspectional): nauunawan na ng mambabasa ang kabuuang teksto at nakapagbibigay ng impresyon dito, nagbibigay ng mabilisan ngunit makabuluhang paunang rebyu sa isang teksto
    • Analitikal na Antas (Analytical): ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-iisip upang malalimang maunawaan ang kahulugan ng teksto at ang layunin o pananaw ng manunulat
    • Sintopikal na Antas (Syntopical): pagsusuri na kinapapalooban ng paghahambing sa iba’t ibang teksto at akda na kadalasang magkakaugnay
  • Mga Paraan/teknik ng Pagbasa:
    • Iskaning: tumutunton sa mahahalagang salita, mga pamagat at mga subtido, palaktaw-laktaw na pagbubuklat sa materyal
    • Iskiming: mabilisang pagbabasa upang makuha ang panghalatang ideya ng teksto, pahapyaw na pagbasa, ginagawa para sa pagtingin o paghanap ng mahahalagang impormasyon
    • Previewing: sinusuri ng mambabasa ang kabuuan, estilo at register ng wika ng sumulat
    • Kaswal na Pagbasa: ginagawa bilang pampalipas oras lamang
  • Masuring Pagbasa: pagbasa na ito nang maingat para maunawaang ganap ang binabasa upang matugunan ang pangangailangan
  • Pagbasang May Pagtatala: pagbasa na may kaakibat na pagtatala o pagha-highlight ng mahahalagang impormasyon sa teksto
  • Iskaning - ang nagbabasa ay tumutunton sa mahahalagang salita, mga pamagat at mga subtido. Palaktaw-laktaw na pagbubuklat sa materyal ang paraang ginagamit sa ganitong pagbasa.
  • Ang iskaning ay naiiba mula sa iskiming dahil dito hindi mo binabasa ang lahat ng nilalaman, sa halip maghahanap ka ng mga impormasyon o detalye sa isang materyal para sa isang tukoy na layunin o isang partikular na paksa.
  • Iskiming
    • Ang iskiming ay mabilisang pagbabasa upang makuha ang panghalahatang ideya ng tekso.
    • Pahapyaw na pagbasa ang isinasagawa sa mga seleksiyon tulad ng pamagat
    • Ginagawa ito para sa pagtingin o paghanap ng mahahalagang impormasyon na maaaring makatulong sa bumabasa.
  • Previewing - sinusuri ng mambabasa ang kabuuan, estilo at register ng wika ng sumulat
  • Kaswal na Pagbasa - kadalasang ginagawa bilang pampalipas oras lamang
  • Batay sa International Reading Association, ang pagbasa ay pagkuha ng kahulugan mula sa mga nakatalang titik o simbolo.
    Hal.
    1. Ano ang nais ipakahulugan ng tiktik "a?"
    2. Ano ang nais ipakahulugan ng simbolong ito?
  • Ayon naman kay Frank Smith, ang pagbasa ay pagtatanong sa nakatalang teksto at ang pag-unawa sa teksto ay ang pagkuha ng sagot sa iyong mga tanong.
  • Mula naman kay Kenneth Goodman sa Journal of the Reading Specialist (1967), ang pagbasa ay isang psycholinguistic guessing game, sapagkat ito ay nagdudulot ng interaksyon sa pagitan ng wika at pag-iisip: ang kakayahang manghula, bumuo ng hinuha o prediksyon kaugnay ng tekstong binabasa.
  • Ayon kay Coady (1979): “Upang lubusang maintindihan ang teksto, kailangang maiugnay ng tagabasa ang dating alam sa kanyang kakayahang bumuo ng mga konsepto/kasanayan/kaisipan mula sa mga naiprosesong impormasyon sa binasa.”
  • Ayon kay G. James Lee Valentine (2000):
    “Ang pagbasa ay ang pinakapagkain ng ating utak.”
  • Ayon naman kay Cecilia S. Austero at mga kasamahan, ang pagbasa ay ang pagkilala at pagkuh ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita. Ito rin ay pag-unawa sa wika ng awtor sa pamamagitan ng mga nakasulat na simbolo.
  • Ayon kay William Morris, Editor-in-Chief ng The American Heritage at awtor ng Your Heritage Dictionary of Words, ang pagbasa ay ang pagkilala
    sa kahulugan ng mga nakasulat na mga salita.
  • Ayon sa Webster’s Dictionary, ang pagbasa
    ay isang kilos o gawa ng isang taong bumabasa ng aklat, sulatin at iba pa. Ito’y pag-unawa sa kahulugan ng isang aklat, sulatin at ibang nasusulat na bagay.
  • Feliciana S. Angeles: Ang pagbasa ay ang tiyak at
    maayos na pagkilala sa pagsasama-sama ng mga salita upang magkabuo ng kahulugan at kaisipan. 
  •  Ayon kay Silvey, ang pagbasa ay binibigyan mo ng kahulugan at pagkilala ang mga kaalamang nakalimbag batay sa pagkakasulat ng may-
    akda. Sa pamamagitan ng pag-justify ay nailalahad ng may-akda ang kanyang kaalaman at tinatanggap mo sa paraan ng pang-unawa at sa dating kaalaman.