FIL2N

Cards (69)

  • Ano ang sining ng mabisang pagpapahayag?
    Retorika
  • Sa blank, ang pagpapahayag ay naglilitaw ng kagandahan ng kahulugan ng kariktan at ng kawastuhan?
    Retorika
  • Ginagamit ang retorika sa?
    Paglalarawan, paglalahad, pagsasalaysay, at pangangatwiran
  • Para kay blank, ang retorika ay sining ng pagwawagi ng kaluluwa sa pamamagitan ng diskurso?
    Plato
  • Ang kakayahang magsalita ng isang tao ay nagdudulot sa kaniya ng kasiyahan at tagumpay sa pakikipagkapwa. Ito ay sabi ni?
    Plato
  • Ang retorika ay isang mataas na sining na binubuo ng invention, argument, style, memory, at delivery. Ito ay sabi ni?

    Cicero
  • Sabi ni blank, ang retorika ay ang sining ng pagpapahayag nang mahusay?
    Quintillan
  • Ang retorika ay isang pampublikong komunikasyon kung saan ang gumagamit ay nakakaintindi nito ay nagkakamit ng resulta. Sabi ito ni?
    Richard Whately
  • Ang retorika ay aplikasyon ng rason sa imahinasyon at pagpapatuloy ng will. Ayon ito kay?
    Francis Bacon
  • Ang retorika ay nakaugat sa essensyal na fanksyon ng wika na realistiko at patuloy. Paggamit ng wika bilang simbolong nagpapakilos sa tao na tumutugon sa mga simbolo. Sabi ni?
    Kenneth Burke
  • Kung saan may panghihikayat, naroon ang retorika, kung saan may retorika, may kahulugan. Ang retorika ay paggamit ng mga simbolo upang makuha ang kooperasyon ng mga taong tumutugon sa mga simbolo. Sabi ito ni?
    Kenneth Burke
  • Ang retorika ay aksyon na nagagawa ng tao kapag gumagamit ng simbolo sa pakikipag-usap sa isa't isa. Ayon kay?
    Sonja at Karen Foss
  • Ang retorika ay ang pag-aaral kung paano ginagamit ng tao ang wika at ibang simbolo upang matamo ang kanilang mga gol at maisagawa ang kanilang mga pantaong gawain. Ayon kay?
    Bazerman Charles
  • Ang retorika ay isang pratikal na pag-aaral. Sabi ni?
    Bazerman Charles
  • Ang retorika ay sining, pagsasanay, at pag-aaral ng pantaong komunikasyon. Sabi ni?
    Andrea Lunsford
  • Ang retorika ay sining ng mahusay na komunikasyon gamit ang wika. Sabi ni?
    Hill, A.S.
  • Ang wika ay di lamang gamit sa pakikipagtalastasan o pagbibigay ng informasyon, manapa'y ginagamit upang mapanatili ang magandang ugnayan, pagkakaisa, at pagkakaunawaan. Ayon kay?
    Trudgill
  • Ang retorika ay mabisang pagpapahayag ng damdamin at kaisipan na taglay ang kariktan sa wastong paggamit ng wika, pasalita o pasulat man. Sabi ni?
    Austero, Bandril, at De Castro
  • Ang kalinawan, kawastuan at katiyakan sa pagsusulat at pagsasalita ay natutupad kung sapat ang talasalitaan sa pagpapahayag. Ayon kay?
    Dr. Ofelia Silapan at Prop. Ligaya Rubin
  • Ang retorika ay sining ng maganda at kaakit-akit na pagpapahayag. Sabi ni?
    Prop. Rubin
  • Ang retorika ay tumutukoy sa kaakit-akit at magandang pagsasalita at pagsulat kung saan pinag-aaralan dito ang ukol sa mga tuntunin nang malinaw, mabisa, at kaakit-akit na pagpapahayag. Sabi ni?
    G. Tumangan
  • Ang retorika ay susi sa mabisang pagpapahayag na nauukol sa kaakit-akit, kaiga-igaya at epektibong pagsusulat at pagsulat. Ayon kay?
    Badayos
  • Ang wika ay salamin ng kaisipan at saloobin ng tao. Sa pagpapahayag ng tao, pasulat man o pasalita, wika ang gamit. Sabi ni?
    Pagkalinawan
  • Nararapat ang piniling mga salita upang matamo ang indayog at ganda sa pagpapahayag dahil hango ito sa karanasan ng manunulat. Sabi ni?
    Pagkalinawan
  • Ang paggamit ng mga tayutay ay nagsisilbing panghimok sa mga mag-aaral sa pagbibigay ng masining na paghahambing ng mga bagay o pangyayari. Sabi ni?
    Badayos
  • Tayutay ang kadalasang gamit upang mapaganda ang anumang pahayag, pasulat man o pasalita. Sabi ni?
    Badayos
  • Ayon kay blank sa panulat nina blank, ang retorika ay tumutukoy sa mga batas ng malinaw, mabisa, at maayos na pagpapahayag. Wastong pagsasalita at tamang gramatika?
    Sebastian, Tanawan et al
  • Sa kasaysayan ng retorika, ano ang bayan ang binanggit at anong siglo?
    Syracuse, 5 B.C.
  • Sinu-sino ang mga tauhan?
    Corax, Tisias
  • Ibigay ang limang katangian ng retorika. Anu-ano ito?
    Ang retorika ay nagbibigay ngalan, Ang retorika ay nagbibigay lakas, Ang retorika ay nagpapalawak ng ating mundo, Ang retorika ay kumukuha ng atensyon ng tagapakinig, Ang retorika ay nagpapaluwag ng daan para sa komunikasyon
  • Hindi ito madaling gawin. Para sa mga awtor, iminumungkahi ang pagtitipon ng mga keyword upang makalikha ng?
    Paksa
  • Ibigay ang anim na elemento ng retorika. Anu-ano ito?
    Paksa, Kaayusan at debelopment ng mga bahagi, Estilo, Tono, Malinis na paglilipat ng mensahe, Interaskyong shared knowledge
  • Ito ay tumutukoy sa kung paano hinuhulma ang ideya, kung paano inaayos ng manunulat ang mga pangungusap gayon din ang pagdebelop ng mga talataan ay matawag na kanyang-kaniya, tatak niya. Ito ay?
    Estilo
  • Ito ay paraan kung paano sinasabi o ginagawa ang isang bagay. Ito ay paraan kung paano isinusulat ang komposisyon. Ano ito?
    Estilo
  • Sangkot sa estilo ang apat. Anu-ano ito?
    Diksyon, Istruktura ng pangungusap, tono, lenggwahe
  • Ito ang tinig ng manunulat na nadarama kapag binabasa ang kaniyang sulatin. Ano ito?
    Tono
  • Naiiwasan ang pagtalon ng ideya sa kung ano-anong ideya lamang. Anong elemento ng retorika ito?

    Malinis na paglilipat ng mensahe
  • Madaling bumilib ang mambabasa o manunulat kapag nakapagrereleyt ang tagabasa sa kaniyang binabasa. Nakapag-iidentify ang mambabasa sa mga sinasabi ng awtor kung kilala niya ang lipunan, o grupo. Anong elemento ito?
    Interaksyong shared knowledge
  • Ito ay ang pagsisiwalat ng tao ng kaniyang mga kaalaman, paniniwala , nasasaloob, at mithiin sa kaniyang kapwang kinakausap o madla. Ano ito?
    Ang pagpapahayag o diskurso
  • Ito ang paraang ginagamit ng tao upang sabihin o ihayag ang kaniyang damdamin at kaisipan. Maaaring gawing pasalita o pasulat. Ano ito?
    Pagpapahayag