apan

Cards (46)

  • tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangiang nagtatakda ng pagkakaiba ng babae at lalaki
    sex
  • ang gender ay tumutukoy sa mga panlipunang gamapanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan
  • ang lalaki ay tinuturing na malakas at matipuno samantalang ang mga babae ay tinitingnan bilang mahinhin at mahina
    katangian ng gender
  • ang mga lalaki ang magtataguyod sa pamilya samantalang ang mga babae ay inaasahang gagawa ng mga gawaing bahay

    katangian ng gender
  • ang mga babae ay nagkakaroon ng buwanang regla samantalang ang lalaki ay hindi

    katangian ng sex
  • mga lalaki ay may T at testerone(male hormone) habang ang babae ay may suso at estrogen (female hormone)

    katangian ng sex
  • tumutukoy sa iyong pagpili ng iyong makakatalik, kung siya ay lalaki o babae o pareho, tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksyong personal
    oryentasyon seksuwal
  • kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao
    ang pagkakakilanlang pangkasarian
  • mga taong nagkakaroon ng atraksyon sa miyembro ng kabilang kasarian, lalaki na ang gustong makatalik ay babae at babaeng gustong naman ay lalaki
    hetoresexual
  • taong nagkakaroon ng atraksyon at seksuwal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na kasarian
    homosexual
  • L esbian G ay B isexual T ransgender Q ueer I ntersex A sexual
  • mga lalaking nakakaramdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki
    gay (bakla)
  • mga taong nakakaramdam ng atraksyon sa dalawang kasarian
    bisexual
  • mga babaeng nakakaramdam ng pisikal o romantikong atraksyon sa kapwa babae
    lesbian
  • isang taong nakakaramdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, kaniyang pagiisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma
    transgender
  • mga taong hindi sang-ayon na mapasailalim sa anumang uring pangkasarian
    queer
  • kilala mas karaniwang hermaphroditism, taong may parehong ari
    intersex
  • mga walang nararamdang atraksyong seksuwal sa anumang kasarian
    asexual
  • ayon sa boxer code ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa, subalit maaring patawan ng parusang kamatayan ang asawang babae sa sandaling makita niya itong may kasamang ibang lalaki. Kung gustong hiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa, maari niya itong gawin sa pamamagitan ng pagbawi sa ari-ariang ibinigay niya sa panahon ng kanilang pagsasama
    1. Panahon ng espanyol - ang mga kababaihan ay nananatili sa kanilang tahanan at inaasikaso ang bawat pangangailangan ng kanilang asawa at mga anak. Gayunpaman, naging malaki ang bahaging kanilang gampanan sa pagkamit ng kalayaan laban sa mga Kastila. Ilan sa mga kababaihang ito ay si Gabriela Silang, maybahay ni Diego Silang na isa ring kilalang bayani sa panahon ng himagsikan laban sa mga Kastila. Gayundin, sa panahon ng Rebolusyon ng 1896, may mga katipunera tulad nina Marina Dizon na tumulong sa adbikain ng mga katipunero na labanan ang pang-aabuso ng mga Espanyol.
    • Panahon ng Amerikano - sa pagsisimula ng pampublikong paaralan na bukas para sa kababaihan at kalalakihan, mahirap o mayaman. Noong Abril 30, 1937, 90% ng mga bumuto ay pabor sa pagbibigay-karapatan sa pagboto ng kababaihan.
    • Panahon ng Hapones - Ipinapakita ng mga Pilipino ang kanilang kagitingan sa pagtanggol sa bansa. Parehas na lumaban ang mga kalalakihan at kababaihan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang kababaihan na nagpatuloy ng kanilang karera na dahilan ng kanilang pag-iwan sa tahanan ay hindi ligtas sa ganitong gawain.
    • Kasalukuyang Panahon - Patriyakal man ang paraan ng pamamahala tulad sa Pilipinas subalit nagkaroon din ng puwang ang mga kababaihan at naging lider ng bansa gaya nina dating Pangulong Corazon C. Aquino at Gloria M. Arroyo. Marami nang pagkilos at batas ang isinulong upang magkaroon ng pantay na karapatan sa trabaho at lipunan ang kababaihan, kalalakihan at nagpapabilang sa LGBTQIA+
  • Kasaysayan ng LGBTQIA+ sa Pilipinas:
    • Mababanggit ang mga baybayin noong ika-16 hanggang ika-17 siglo
    • Ang baybaylan ay isang lider-isipiritwal na may tungkuling panrelihiyon, nagsilbing manggagamot at tagapamahala ng katutubong kultura bago ang pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas
    • Mayroon ding lalaking babaylan, halimbawa nito ay ang mga asog sa Visayas noong ika-17 siglo
  • Dekada 60 ang pinaniniwalaang dekada kung kailan umusbong ang Philippine Gay culture sa bansa
  • Sa mga panahong dekada 60, maraming akda ang nailathala na tumatalakay sa homoseksuwalidad
    • Huling bahagi ng dekada 80 at uang bahagi ng dekada 90 - Maraming pagsulong ang inilunsad na naging daan sa pag-usbong ng kamalayan ng Pilipinong LGBT. Halimbawa nito ang paglabas ng Ladlad. Isang antolohiya ng panulat ng mga Pilipinong miyembro ng gay community na inedit nina Danton Remoto at J. Neil Garcia noong 1993. Madaragdag din ang sinulat ni Margarita Go-Singco Holmes na A different Love: Being Gay in the Philippines noong 1994.
  • Isang malaking yugto para sa lesbian activism sa Pilipinas ang naganap nang sumali ang di-kilalang samahan na Lesbian Collective sa martsa ng International Women's day noong Marso 1992. Ito ang kauna-unahang demonstrasyon ng nilahukan ng isang organisadong sektor ng LGBT sa Pilipinas.
  • Itinatatag ang ProGay Philippines noong 1993
  • ang Metropolitan Community Church noong 1992 at ang UP Babayian (pinakamatandang organisasyon ng mga mag-aaral na LGBT sa UP) noong 1992.
  • Ilang kilalang lesbian organization ang sumulpot noong dekada 90, gaya ng CLIC at LeAP. Unang partidong politikal na komunsulta sa LGBT community ang pargtidong Akbayan Citizen's Action Party. Ang konsultasyong ito ang nagbigay-daan sa pagkakabuo ng unang LGBT lobby group - ang LAGABLAB - noong 1999
  • CLIC
    Cannot LIve in a Closet
  • LeAP
    Lesbian Advocate Philippines
  • LAGABLAB
    Lesbian and Gay Legisiative Advocacy Network
  • Noong Setyembre 21, 2003, itinatag ni Danton Remoto, propesor sa Ateneo de Manila University, ang political na partido na ang Ladlad.
  • isang filipino celebrity chef
    Pablo 'chef boy' logro (lalaki)
  • nahalal siyang senador ng bansa noong 1992-1998
    gloria m. arroyo (babae)
  • mamahayag at politiko na nagsisilbing katawan ng 1st district ng bataan
    geraldine b. roman (transgender)
  • aktor at komedyante na nahalal bilang vicemayor ng abucay
    dexter "teri onor" dominguez (gay)
  • mang-aawit na nakilala hindi lamang sa bansa kundi sa ibang panig ng mundo
    jake zyrus (lesbian)