10 Filipino 3: Aralin 1-2

Cards (66)

  • Mga Bituin ni Kamala
    Ito ay isang mitolohiya mula sa Timog Africa patungkol sa alamat ng mga bituin.
  • Aprika at Pilipinas
    Noong unang panahon ano -ano ang mga mabansang nagbibigay kahulugan sa mga di pangkaraniwang bagay/ kababalaghan sa pamamagitan ng isang kwento
  • Mitolohiya at Alamat
    Ano- ano ang ginagamit ng mga tao sa unang panahon upang bigyan kahulugan ang mga di pangkaraniwang bagay/ kababalaghan?
  • Mitolohiya
    Nagsasalaysay tungkol sa pinagmulan ng mga bagay- bagay sa santinakpan. Ito ay mga kwento tungkol sa simula ng simula.
  • Diyos at Diyosa, bathala o mga anito
    Patungkol kanino karaniwan ang Mitolohiya?
  • TAMA
    TAMA O MALI

    Ang mitolohiya ay patungkol din sa kanilang paglalang tulad sa kalikasan, sa langit, sa mundo at sa mga unang Tao
  • Matandang lalaki

    (Matandang lalaki na may makinang na mata)= Araw
    Sa mitolohiya, siya ang dahilan kung bakit napakadilim sa gabi. Nangyayari lamang ito kapag ang makinang na mga mata nito ay natutulog.
  • Apoy (pagpaparikit ng Apoy)

    Sa mitolohiya, ito ang ginagamit nila upang labanan ang dilim.
  • Kamala
    Sa mitolohiya, siya ang batang babae.
  • Alipato
    Sa mitolohiya, ano ang tawag sa tilamsik ng mapupulang baga habang ito'y lumilipad pataas nang pataas?

    Dito nagmula ang malalaki at maliliit na bituin (di ko sure to eniweys)
  • Kaligayahan
    Sa mitolohiya, ano ang naging damdamin ni Kamala nang makita ang mga nangniningning na bituin?
  • Bungang- ugat
    Sa mitolohiya, ito ang kinuha ni Kamala at ipinukol sa langit at naging isang malaking bituin ito.
  • Pulang liwanag
    Sa mitolohiya, anong kulay ang binibigay na liwanag ng magugulang na bungang-ugat?
  • Puti, dilaw, at asul
    Sa mitolohiya, ano- anong kulay ang binibigay na liwanag ng murang (o bata? like young) na bungang-ugat?
  • Puno ng mga Bituin
    Sa mitolohiya, siya ang isang bituin na lumaki nang lumaki hanggang sa naging pinakamalaking bituin ito sa langit. Siya ang nagbigay pangalan sa lahat ng butuin na nakapaligid sa kanya. Lahat ng bituin ay masunurin sa kanyang utos.
  • Simula
    Ano ang kahulugan ng Mula?
  • Pinagmulan
    Ano ang kahulugan ng Alamat?
  • Denotasyon
    Ito ay ang kahulugan ng salita na matatagpuan sa diksyunaryo. Literal o totoong kahulugan ng salita
  • Konotasyon
    Ito ay pansariling kahulugan ng isa o grupo ng tao sa isang salita. Ang kahulugan ng konotasyon ay naiiba sa karaniwang kahulugan.
  • Pagsasalin
    Kasintanda na ng limbag na panitikan sa Pilipinas
  • Doctrina Christiana (1593)

    Unang aklat sa Pilipinas, ito ay salin ng mga pangunahing dasal at tuntunin ng simbahang katolika na kailangan sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa bansa.
  • Espanyol
    Sila ang mga misyonerong nagdala nang sigla ng pagsasalin sa sa europa nang dumating sa Pilipinas
  • Eugene Nida (1964)

    AYON KAY?

    "Ang pagsasalin ay paglalahad sa tumatanggap na wika ng pinakamalapit na natural na katumbas ng mensahe ng simulaang wika, una ay sa kahulugan at pangalawa'y sa estilo"
  • Mildred Larson (1984)

    AYON KAY?

    "Ang pagsasalin ay muling paglalahad ng tumatanggap na wika ng tekstong naghahatid ng mensahe katulad ng sa simulang wika ngunit gumagamit ng piling mga tuntuning panggramatikal at mga salita ng tumatanggap na wika"
  • Peter Newmark (1988)

    AYON KAY?

    "Ang pagsasalin ay isang gawaing binubuo ng pagtatangkang palitan ang isang nakasulat na mensahe sa isang wika ng gayunding mensahe sa ibang wika"
  • Hatim at Mason (1990)

    AYON KAY?

    "Ang pagsasalin ay isang prosesong komunikatibo na nagaganap sa loob ng isang kontekstong panlipunan"
  • Sansalita-bawat-sansalita
    Isa-isang pagtutumbas ng kahulugan ng salita (word for word translation)
    - Malimit ang ganitong salin ay himig telegrapikong pahayag. - - Ang metodong ito ay maaring gawing prosesong pretranslation upang ganap na maunawaan ang may kahirapang unawing pahayag
  • Literal
    Ang pahayag sa simulang wika ay isinalin sa pinakamalapit na gramitikal na pagkakabuo sa tunguhang wika.
    - Nagiging wordy o masalita ito at nagiging mahaba ang pahayag
  • Adaptasyon
    Taliwas sa saling sansalita-bawat-sansalita sa dayagram ni Newmark.
    - Pinakamalayang anyo ng salin
    - Madalas gamitin ang adaptasyon sa salin ng dula at tula na kung minsan ay malayo na sa orihinal
  • Malaya
    Ang kataliwas sa saling literal. Malaya ito at walang kontrol.
  • Matapat
    Sinisikap dito na makagawa ng eksakto o katulad na katulad na kahulugang kontekstuwal na orihinal bagaman may suliranin sa esktrukturang gramatikal na nagsilbing hadlang sa pagkakaroon ng eksaktong kahulugang kontekstuwal
  • Idyomatikong Salin
    Mensahe, diwa, o kahulugan ng orihinal na teksto ang isinasalin. Hindi nakatali sa anyo, ayos, o natural na anyo ng tunguhing wika.
  • Saling Semantiko
    Pinagtutuonan dito nang higit ang aesthetic value o halagang estetiko, gaya ng maganda at natural na tunog at iniiwasan ang anumang masakit sa pandinig na pag-uulit ng salita o pantig.
  • Komunikatibong Salin
    Nagtatangkang maisalin ang eksaktong kontekstuwal na kahulugan ng orihinal sa wikang katanggap- tanggap at madaling maunawaan ng mga mambabasa
  • Pagsasaling pampanitikan
    Pagsasalin ng mga malikhaing panulat o akdang pampanitikan katulad ng tula, maikling kwento, nobela, dula at sanaysay
  • Pagsasaling Teknikal
    Pagsasaling may kinalaman sa mga siyensiya, pangkalikasan man o panlipunan at sa mga disiplinang akademiko na nangangailangan ng angkop na espesyalisadong wika.
  • Emilio Jacinto
    Sino ang nagsulat ng Anak ng Bayan
  • Liriko????? Tulang pag-ibig para sa bayan??

    Anong uri ng tula ang "Anak ng bayan"
  • Philo M Buck
    Sino ang nagsulat ng "Sinong kakausapin ko ngayon?"
  • Amado V. Hernandez
    Sino ang Nagsulat ng "Kung tuyo na ang Luha mo, Aking Bayan"